Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

30% capacity rule, dapat sundin ng Quiapo Church (Sa pista ng Itim na Nazareno)

HINDI pumayag ang pamahalaan sa mga apela ng ilan na gawing 50 porsiyento ang capacity na papaya­yagang makapasok sa Quiapo Church para sa lahat ng deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, kailangang sundin ng mga deboto, gayundin ng simbahan ang parehong patakaran na umiiral.

Hanggang 30 porsi­yen­to lang aniya ang maaaring religous services at hindi raw ito magba­bago.

Sa pinakaunang pag­kakataon sa loob ng mahabang panahon ay walang gaganaping taunang prosesyon para sa imahen ng Itim na Nazareno o kilala rin bilang Traslacion bilang pag-iwas sa posibilidad na sumirit pa ang kaso ng coronavirus disease dahil milyon-milyong deboto ang inaasahan na dadalo rito.

Dahil dito, magsa­sa­gawa ng misa ang Quiapo Church sa 9 Enero bilang paggunita sa Itim na Nazareno.

Sinabing 16 misa ang ipagdiriwang upang maiwasan ang pagbuhos ng mga deboto na inaasahang magtitipon-tipon sa Quiapo Church.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …