Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Speaker Velasco ‘di tunay na lider — Anti-commies (Inakusahang panig sa leftist group)

KINASTIGO ng iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations si House Speaker Lord Allan Velasco sa lantaran nitong pagpanig sa mga kalaban ng administrasyong Duterte dala ng patuloy na pagbibingi-bingihan sa matagal nang panawagang imbestigahan ang Makabayan Bloc sa koneksiyon nito sa CPP-NPA.

Inamin ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskompiyado sila kay Velasco dahil sa umpisa pa lamang ay nakikita na ang pagkiling sa isyu ng Makabayan Bloc. Ang kanila umanong tanong sa lider ng Kamara ay kanino ba naglilingkod at hindi niya magalaw man lamang ang progressive solons.

“Kung neutral si Velasco dapat parehong side ang pakinggan niya, ‘yun ang neutrality. Hindi natin maalis na maging diskompiyado kasi nakikita natin sino ang mga against. Makikita natin ngayon sino mga naglilingkod sa bayan o may ibang pinaglilingkuran o para sa kanilang interes. Dapat ang pakinggan ng Kamara ay ‘yung nakararami,” giit ni Labsan.

Aniya, sa kabila ng ipinapakitang pagkiling ni Velasco ay hindi pa rin sila titigil sa pagkalampag hanggang umaksiyon at gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

“Ipupursigi namin na magkaroon ng hearing ang House of Representatives ukol sa Makabayan Bloc, no matter what. After ng Senate, ang Kamara talaga ang may jurisdiction sa isyung ito,” giit ni Labsan.

Aniya, iba’t ibang pagkilos ang kanilang isasagawa kasama ang League of Parents of the Philippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang  at iba pang mga Non Government Organization(NGO).

Samantala, nagpahayag ng kasiguruhan si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig si Velasco sa panawagang imbestigahan ang leftist solons.

Ani Gaite, malinaw na may pressure para idiin sila ngunit naniniwala silang hindi makikinig dito ang House Leadership.

“Clearly there is pressure on the House to join the ‘communist witch-hunt’ of the NTF-ELCAC, but we believe Speaker Velasco will remain judicious and will not allow the House to be used as venue for peddling baseless accusations against its members,” pahayag ni Gaite.

Patuloy na itinatanggi ng Makabayan Bloc ang alegasyon ng military na konektado sila sa CPP-NPA ngunit para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana lalong tumibay ang ebidensiya nila laban sa mga progressive solons nang mapatay sa enkuwentro ng military at rebelde ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …