Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hamon ni Bong Go kina Galvez at Duque: Unang magpaturok ng bakuna vs CoVid-19

HINAMON ni Senator Christopher “Bong” Go sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa sandaling maging available na ito sa publiko.

Ito ay upang mapawi aniya ang pangamba ng mga mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang kanilang kompiyansa sa bisa at pagiging epektibo nito.

“May mga nag-aalangan pa kaya dapat unahin natin ang safety ng vaccine na ito. That is why I’m challenging Secretary Galvez once safe na ipapakita niya, along with Secretary Duque, na sila muna ang magpapaturok ng vaccine once proven safe to encourage [the people],” ayon kay Go, sa isang panayam sa Laging Handa briefing nitong Sabado, na isinagawa sa bagong bukas na Mindanao Media Hub sa Davao City.

“(This is) to encourage naman po at mawala ang takot ng mga tao, pero dapat unahin natin ang poor, vulnerable, and frontliners, of course. Sila ang nangunguna sa labang ito — sundalo, guro, medical workers. Huwag rin natin pabayaan ang senior citizens natin na vulnerable and, especially, ang mahihirap na kailangan lumabas at magtrabaho — dapat po libre ito sa mahihirap,” ayon kay Go.

Anang senador, ang national vaccine roadmap ay nakahanda na para sa isang sistematikong distribusyon ng bakuna, sa sandaling matiyak na ligtas at epektibo ito.

Hinikayat niya ang concerned agencies na maayos na makipagkomunikasyon at ipatupad ang programa sa pagbabakuna upang masiguro sa publiko na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang maibalik sa normal ang lahat, sa gitna ng nagaganap na pandemya.

“Napaka-importante po sa vaccine na ito ang issue ng affordability at accessibility. Unang una, pagdating sa availability — dapat po unahin ang mahihirap nating kababayan,” aniya.

Samantala, pinuri ni Go ang mga miyembro ng pribadong sektor na nagpahayag ng tulong sa gobyerno para sa pagbili ng pinakaligtas at epektibong bakuna laban sa CoVid-19, sa sandaling pumasok na ito sa merkado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …