Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Sundalo patay, 3 pa sugatan (Pick-up nahulog sa creek)

 BINAWIAN ng buhay ang isang sundalo habang sugatan ang tatlong iba pa pang pasahero ng kanilang pick-up nang mahulog sa tulay at dumeretso sa creek sa Old Aiport, Sasa, sa lungsod ng Davao, nitong  Martes ng madaling araw, 1 Disyembre.

Isinugod ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival ang pasaherong kinilalang si Michael Almaida, 34 anyos, miyembro ng Philippine Navy, at residente ng Imus, Cavite.

Samantala, sugatan at nagpapagaling sa ospital ang driver ng pick-up na si Sgt. Crisanto Gacang, at mga pasaherong sina Michael Balos, at Sgt. Joel Custodio.

Sa imbestigasyon ng Sasa Police, binabaybay ng sasakyan ang innermost lane ng Davao-Agusan National Highway galing sa norte at patungong lungsod ng Davao ngunit pagdating malapit sa Old Davao Airport, biglang nagpreno ang sasakyan para iwasan ang nabanggang sasakyan sa unahan nito.

Nawalan ng kontrol ang driver dahil sa madulas na kalsada, dahilan ng pagkahulog sa creek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …