Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Walang “counter propaganda” ang media group ni Velasco

SA KABILA ng sunod-sunod na banat na ginagawa ng mga kalaban ni House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa ipinatutupad nitong ‘purging’ sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, tahimik, at walang aksiyong isinasagawa ang kampo ng Speaker lalo na ang media group nito.

Ngayon ang tamang panahon para magsagawa ng counter propaganda o “offensive” ang head ng media team ni Velasco para ipaliwanag at ipamukha sa grupo ni Cayetano na makatuwiran lamang ang nangyayaring paglilinis at maging maayos ang pagpapatakbo ng Kamara.

Matagal na pinakinabangan ni Cayetano at mga kampon nitong kongresista ang Lower House at napapanahon at makatuwiran lamang na sibakin sila ni Velasco sa kani-kanilang mga puwesto.

Hindi rin kakayanin ni Velasco na panatilihin sa puwesto ang mga kaalyado ni Cayetano dahil magreresulta lamang ito ng panibagong hidwaan sa hanay ng mga kongresista at malamang na magkaroon ng kudeta at magluklok ng panibagong speaker.

Kaya nga, nakatali talaga ang kamay ni Velasco at kailangang ipagpatuloy nito ang ginagawang ‘purging’ sa grupo ni Cayetano at maipakita sa kanyang mga tunay na kaalyadong kongresista ang ganting-hakbang ng bagong liderato ng Kongreso.

Pero sa kabila ng giyera na nangyayari sa Kamara, mukhang walang pakinabang at hindi maaasahan ni Velasco ang kanyang media group dahil pinababayaang upakan at pulutanin ng mga kalaban sa social at mainstream media ang kanilang amo.

Hindi na kailangang hintayin pa ng media group na makapaghasik ng intriga o black propaganda ang mga kalaban ni Velasco at baka dumating ang panahong magkawatak-watak sila at tuluyang magtagumpay at mapatalsik ang Speaker.

Sa ngayon, dapat magtuloy-tuloy ang isinasagawang “cleansing” sa Kamara at kalusin ang mga sipsip kay Cayetano at sibakin sa kanilang puwesto para higit na mapagkaisa ang mga kaalyado ni Velasco at maiwasang makapagpalaganap ng intriga.

Bukod sa pinakahuling sinibak na si Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, dapat ay isunod na rin si Majority Floor Leader Martin Romualdez na sibakin sa kanyang puwesto dahil sa naging sagad-sagaring tuta rin ito ni Cayetano.

At kung nasa puwesto pa rin itong sina Rep. Mike Defensor, Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Pidi Barzaga at Rep. Boying Remulla, dapat lang na kumilos na si Velasco at sipain na ang mga ito sa kani-kanilang posisyon. Hindi ba’t tuta rin ang mga ito ni Cayetano?

Kaya nga, napakabigat talaga ng gawain at responsibilidad ni Velasco, at hindi niya ito mapagtatagumpayan kung patuloy na tutulog-tulog at hindi kikilos ang kanyang media group.

Ang tagumpay ng programa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay kaakibat lagi ng maayos na pagpapatakbo ng propaganda machinery ng media group ni Velasco. Hindi magtatagumpay si Velasco kung patuloy na magiging palpak ang kanyang media team.

Teka, teka, sino nga ba itong babaeng media handler ni Velasco?

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *