Thursday , December 26 2024

Dagdag-bawas sa 2021 budget pabor sa alyados — Sen Lacson (Speaker Velasco itinuro)

TINAWAG ni Sen Panfilo Lacson na ‘improper’ o hindi aksiyon ng isang lider ang ginawang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista na kitang-kita sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget.

Ayon kay Lacson halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita rin ang paglabag nito sa mga kongresista na kaanib ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

“Congressmen interfered in the apportionment of the lump sum appropriations under the Department of Public Works and Highways (DPWH) budget. That’s the reason why may mga na-register na increases and decreases when the leadership changed in the House of Representatives. Evidently, noticeable ito, na ‘yung malalapit sa bagong Speaker, mayroong naka-register na increases at ‘yung mga malalapit sa dating Speaker, ‘yun ang naka-experience ng reduction,” paliwang ni Lacson.

Hindi na inisa-isa ni Lacson ang mga binawasan ng budget maliban kay Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na may pinakamalaking kaltas habang ang ilan na nakatamasa ng malaking budget increase ay Benguet, Albay, at Abra.

Kinompirma ni Lacson na hindi naman nabawasan ang budget ni Cayetano sa kanyang distrito.

“It was unchanged ‘probably out of respect or deference’ to the former House Speaker,” giit niya.

Sinabi ni Lacson na mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista, halimbawa ang P15.351 bilyon sa isang distrito kompara sa P620 milyon sa ilan.

“The disparity is so great that it becomes a bit unconscionable,” paliwanag ni Lacson.

Una na rin kinompirma ni Cayetano ang naging rebelasyon ni Lacson. Aniya, P300 milyon hanggang P1 bilyon ang naging kapalit ng pagsuporta ng mga kongresista kay Velasco, ito umano ang dahilan kung bakit nagmamdali sa turnover ng Speakership noong Oktubre.

Dinepensahan din ni Cayetano ang mga kongresista na malapit sa kanya na wala sa Top 10 na may malaking budget, sa katunayan ang mga puwesto nito sa listahan ay pang 155, 204, 219, 193 at 154.

Itinanggi ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, chairman ng House Committee on Appropriations ang alegasyon ni Lacson na ang mga kaalyado ni Velasco ang nakakuha ng “last minute” increase sa alokasyon sa General Appropriations Bill (GAB).

Gayonman nanindigan si Lacson na malinaw ang listahan, mula P396B ay biglang lumobo sa P474 ang infrastructure budget ng mga mambabatas na nakapaloob sa DPWH 2021 budget.

Isa si Yap sa nadoble ang alokasyon mula P4 bilyon  ay naging P8 bilyon, si Yap ang itinalagang  carektaker ng Benguet nang pumanaw si Benguet Rep. Nestor Fongwan, Jr.

“No matter how House members deny, the appropriations in their approved General Appropriations Bill were influenced by the change in their leadership,” paliwanag ni Lacson.

Samantala sinabi ni House Minority Leader Stephen Paduano na ang district allocations na kinukuwestiyon ni Lacson ay maaari pa namang mabago sa bicameral conference committee.

“We’re calling the Senate. Nandoon sa kanila ang budget.Then they should propose amendments, especially in the bicam, and let Senator Ping propose amendments,” pahayag ni Paduano.

Bilang tugon, sinabi ni Lacson na kanya talagang  haharangin sa Bicam ang idinagdag na budget ng mga mambabatas at ilalaan ito sa mas kinakailangang pagkagastusan pangunahin ang health issues at pagbangon ng ekonomiya.

“I want the budget to be responsive to the sign of the times. I want it to be responsive to the budget philosophy of Reset, Rebound, Recover. These are what we need for 2021. Not the multi-purpose buildings, not the double appropriations, not the right-of-way (ROW) payments that cannot be accomplished anyway,” paliwanag ni Lacson.

Target ni Lacson na tanggalin sa 2021 budget ang may P60 bilyong infrastructure allocation na ipinasok ng mga mambabatas sa DPWH budget.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *