Thursday , December 26 2024

Senado pinakikilos vs naglalakihang infra funds ng kamara (2.3-M estudyanteng apektado gawing prayoridad)

HALOS 2.4 milyong estudyante ang hidni nakalalahok sa distance learning dahil wala pa rin koryente sa maraming lugar sa bansa.

Inihayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto matapos ang expose’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na may bilyon-bilyong infrastructure budget insertions ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget.

Sa paghimay ng Senado sa 2021 budget ng Department of Education (DEped) at Department of Energy (DOE), inamin ng una na P3.85 bilyon ang kakailanganing pondo para mabigyan ng koryente ang mga paralan habang sa panig ng huli ay P25 bilyon ang kailangan para maresolba ang backlogs sa household connections.

Hindi lamang problema sa distance learning ang pangunahing kinahaharap ng mga estudyante ngayong pandemic kundi mas doble pa ang bilang ng mga nawalan ng access sa edukasyon, health, housing, nutrition, sanitation, malinis na tubig at marami ang nakararanas ng mental health issues.

Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), nangangailangan ng agarang tulong ng pamahalaan ang mga bata kaya umaapela sila sa Duterte administration na mapondohan ang mga pangangailangan gaya nito.

Hamon ni Infrawatch Convenor Terry Ridon sa Senado, maigting na rebyuhin ang infrastructure allocations ng lahat ng congressional districts, ang pondo umano nito ay maaaring mailaan sa mas mahahalagang programa na pakikinabangan ng mas nangangailangang sektor.

“The senate should review all infrastructure allocations in all congressional districts and also not lose sight in similarly reviewing NTF-ELCAC’S P16.44-B as these also include infrastructure projects which may be reallocated to more pressing current concerns such as distance learning, disaster response and the CoVid-19 pandemic,” paliwanag ni Ridon.

Sa paghimay ng Senado sa P667 bilyong budget ng DPWH sa taong 2021 lumilitaw na P447 bilyon dito ay para sa congressional districts, nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang infrastructure projects ng bawat kongresista.

Nadiskubre rin na mayroong mga double funding , overlapping projects sa mga distrito at biglaang insertions sa budget nang magpalit ng liderato sa Kamara at maupo si House Speaker Lord Allan Velasco, sinabi ni Lacson na sa laki ng insertions sa budget na ginawa ng Kamara ay sapat na sana para tulungan ang mga lugar na nasalanta ng mga nakalipas na bagyo.

Sinabi ni Lacson, sa kanilang pagbusisi sa inaprobahang budget ng Kamara ay malinaw na mayroon pa rin “pork barrel” ang mga kongresista na naiba lamang ang pangalan ngunit parehas lang ang sistema.

“Hindi pork. Pero ‘di rin nabago. Hindi pork ang tawag, kasi walang post-enactment identification. Identified na. Kaya ang nangyayari, iniikutan nila ang SC ruling. Sa General Appropriations Bill (GAB) pa lang pina-identify ang proyekto, so walang pork in the strictest sense of the word. Pero sa implementation hindi nawawala ang commission,” paliwanag ni Lacson na mas mataas ang budget ay mas mataas na komisyon.

“Some lawmakers are eager to realign funds to develop their districts, there are some who have shown no interest pursuing any local development program. Ang kinukwenta lang nila ‘yung kikitain nila. ‘Yan ang issue na nire-raise ko,” pagtatapos ni Lacson.

Nang hingan ng reaksiyon ay tumangging magkomento sa naglalakihang infrastructure funds si House Majority Leader Martin Romualdez, nang hingan naman ng komento si Speaker Velasco ay ipinasa nya ang pagsagot kay House Appropriations Chairman Eric Yap na hindi rin nagbigay ng reakyon gayondin si House Minority Leader Joseph Stephen Paduano.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *