Monday , December 23 2024

Sa Palasyo, DTI, radyo, telebisyon at diyaryo na lang mamalengke  

WALANG paggalaw sa presyo ng bilihin.

Uy, heto na naman po tayo.

Ito  ang pagtitiyak ng Palasyo sa publiko matapos na ihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hindi ko alam kung maniniwala tayo sa statement na ito – oo naman, pero ang tanong ay may ‘tikas’ ba ang pahayag ng Palasyo sa mga mangangalakal?

Ang pahayag ni Roque ay parang ‘sirang plaka’  – alam kaya ng mga kabataan sa panahon ngayon kung anong ibig sabihin ng sirang plaka? Itanong ninyo na lang po sa mga unang henerasyon, ha.

Ano pa man, ang pahayag ay laging naririnig sa tuwing may bagyo o trahedya sa bansa. ‘Ika ng Palasyo o madalas na sinasabi… “walang paggalaw sa mga presyo ng bilihin.” Partikular ang mga pangunahing bilihing pagkain tulad ng  gulay, karne, prutas, root crops, mais, at iba pang produkto na apektado ng bagyo.

Panakot pa nga ni Roque, ‘este paliwanag pala ng mama, nakasaad sa Section 6 ng RA 7581 Act of 1992 na ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na may mga kalamidad o nasa ilalim ng state of calamity ay awtomatikong mananatili.

Ha! Ano po ang ‘ika ninyo!

Madaling sabihin ito Mr. Spokesperson pero, kung ikaw siguro ang nasa sitwasyon ng mga magsasaka at mangangalakal baka isa ka sa daan-daang mangangalakal na hindi susunod sa kautusan ng Palasyo.

Aktuwali, kung mamamalengke ka nga ngayon, hindi pa man nanalanta ang magkasunod na bagyo ay mataaas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke. Kaya, mas lalo na siguro ngayon.

Kapag sasabihin mo nga sa mga nagbebenta na… “Ayon sa Palasyo at balita ay wala raw pagtaas ng mga presyo.” Alam n’yo ba kung ano ang reaksiyon nila sa inyo? Mapapangiti lang sila o hindi kaya sisimangutan ka pero ang madalas na maririnig mo sa kanila ay… “e ‘di, doon ka sa Palasyo mamalengke o hindi kaya sa dyaryo, telebisyon at radio kung saan mo narinig o nabasa ang balita.”

Hehehehe…tama nga naman! Hahahaha!

 

Pero ano pa man, nanawagan pa rin si Pangulo sa mga nagbebenta ng mga kailangan ng ating mga kababayan na sana huwag nang magsamantala.

Nananamantala nga ba ang mga kababayan natin o sadyang hindi talaga mapigilan ang pagtaas ng presyo dahil na rin sa taas ng susumahing ‘capital.’ Alam naman natin na bago makarating sa palengke ang mga produkto ay ilang “middlemen” ang daraanan nito kaya, mataas ang presyo.

E ano naman ang silbi ng DTI? Hindi ba dapat sila ang magbabantay ng mga presyo? Totoo iyan. Ginagawa naman ng DTI ang kanilang trabaho. Sinasalakay nila ang mga palengke kaya lang, pulos papogi lang ang kanilang ginagawang aksiyon.

Sinisita lang ang mga nagbebenta pero walang inaaresto at sinasampahan ng kaso. Kaya walang silbi ang aksiyon ng DTI. Hangga’t walang inaaresto, kinokompiskahan ng panindang overprice ay magpapatuloy ang mataas na presyo ng bilihin sa mga palengke lalo ang karne, gulay at katulad nito ay direktang apektado ng bagyo.

Oo nga’t patuloy na naka-monitor ang DTI laban sa mga abusadong mangangalakal pero, wala ring kuwenta kasi pulos papogi lang sa kamera ang ginagawang pagsalakay sa mga palengke. May mga kinokompiska naman sila pero iyong mga bulok na karneng “botcha.”

 

Sa sitwasyon ngayon, ewan ko ha kung masusunod ang kautusan ng Palasyo at DTI.

 

O ano mga kababayan, saan tayo mamamalengke ng mababang presyo ng karne, gulay at iba pa? Sa Palasyo ba, sa DTI o sa telebisyon, sa radyo o sa diyaryo?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *