Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P232.97-M ICT ng PTNI kinuwestiyon ng COA

NAGBABALA ang Commission on Audit (COA) na sususpendihin ang P232.97 milyong transaksiyon ng state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) kaugnay sa pagbili ng information and communications technology equipment noong nakaraang taon.

Ayon sa 2019 COA report, nabigo ang PTNI na makakuha ng permiso sa Department of Information and Communications Technology (DICT) bago binili ang P232.97 milyong halaga ng ICT equipment.

Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2019 itinakda na bago bumili ng ICT equipment ang ahensiya ng pamahalaan, kailangan munang makakuha ng Information Systems Strategic Plan mula sa DICT.

Batay sa COA report, idahilan ng Finance Division ng PTNI na exempted sa pagsusumite ng ISSP ang state-run network.

Ngunit ibinasura ng state auditors ang dahilan ng PTNI at nagbanta na maglalabas ng Notice of Suspension sa naturang transaksiyon kapag hindi nagsumite ng ISSP ang state-run network.

Sa naturang ulat ay kinuwestiyon ang “legality, validity and propriety” ng ibinayad na P125.4 milyon sahod para sa contractual employees noong nakalipas na taon.

Inutusan ng COA ang PTNI na isumite ang mga kontrata ng “contractual and contract of service personnel” na kinuha noong 2019.

Mag-iisyu umano ng Notice of Suspension at kalauna’y Notice of Disallowance kapag nabigo ang PTNI na isumite ang mga kaukulang dokumento ng contractual employees.

Nabisto rin ng COA na nalugi ng P9.178 milyon ang PTNI sa ibinayad ng blocktime program dahil siningil sila batay sa lumang airtime rate.

Kasama sa mga naturang programa ang Kilos Pronto ni Ben Tulfo; Lakbayin ang Magandang Pilipinas; Mag-Agri Tayo, Medyo Late Night Show with Jojo A ; Jesus Miracle Crusade and Oras ng Himala at Oras ng Katotohanan.

Matatandaan noong 2018 ay lumutang ang pangalan ni ngayo’y PTNI general manager Katherine De Castro, bilang Tourism Undersecretary, sa kontrobersiyal na P60-M advertising deal na pinasok ng Department of Tourism (DOT) sa PTNI para sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) sa programang Kilos Pronto ni Ben Tulfo sa state-run network.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …