Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Princess Eowyn kampeon sa kababaihan

NAILISTA ni Princess Eowyn ang isang back-to-back win mula sa grupo ng mga kababaihang kabayo matapos ang naganap na 2020 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” nitong nagdaang weekend sa karerahan ng Metroturf sa Malvar, Batangas.

Sa largahan ay magaan na naagaw kaagad ng hinete niyang si Unoh Basco Hernandez ang harapan mula sa gawing labas kabasay ang isa pang puting kabayo na si Shanghai Grey ni Kelvin Abobo. Bago dumating sa unang kurbada ay halos nagkapantayan ang dalawa sabay singit sa pagitan nila ang gigil na si Obra Maestra ni Jesse Guce. Pagtapat sa tres kuwartos (1,200 meters) ay nagkaroon ng mainitang bakbakan sina  Princess Eowyn at ang gigil na gigil sa gawin loob na si Obra Maestra, habang may panibagong apat na kabayong layo sa ikatlo at ikaapat na posisyon sina Serafina at Shanghai Grey. Sa pagkakataong iyan ay may kalayuan din ang tatlo pa nilang kalaban na sina Two Timer ni Pao Guce, Huckleberry ni Amon Garcia at Trust Me ni Jeko Serrano.

Pagpasok sa medya milya (800 meters) ay patuloy pa rin ang panabayan nung dalawa sa unahan habang nakapirmis at marahan lamang na pinapatakbo ni Unoh ang kanyang dala kontra sa panay na ang attempt na makaagaw ng harapan na si Jesse na panay ang ayuda sa ibabaw ng sakay niya.

Pagsungaw sa ultimo kuwartos (400 meters) ng labanan ay bahagyang lumamang na si Princess Eowyn ng may isang kabayo mahigit sa nakaramdam na ng pagod na si Obra Maestra habang papalapit na sa eksena ang rumeremate sa tersera puwesto na si Shanghai Grey.

Sa huling diretsahan ay hiningan na ng todo ni Unoh ang sakay niya para manalo nang malayo sa mga nakalaban.  Naka­pag­tala si Princess Eowyn  ng tiyempong 1:55.6 (14-22′-23-25′-30′) para sa distansiyang 1,800 meters.

Para sa kompletong datingan mula  segunda ay sina Shanghai Grey (1:56.4), Obra Maestra (1:57.0), Two Timer (1:57.4), Huckleberry (1:57.6), Serafina (2:00.8) at si Trust Me (2:02.8).

Sa darating na Linggo na pakarera sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite ay magaganap naman ang 2020 PHILRACOM “3YO Imported/Local Challenge Race” na kinabibilangan ng mga kabayong sina American Factor, Divine Success, In The Zone, Kick The Gear, Phenom, Sky Candy, Spuntastic at Tony’s Love. Sila ay maglalaban sa distansiyang 1,800 meters at may kabuuang pa­premyo ng nagkakahalaga ng isang milyong piso (P1,000,000.00) na ilalatag para sa unang apat na makakarating sa meta na may kaukulang percentage handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) na patuloy na sumu­suporta sa industriya ng karera at mga karerista.

REKTA
ni Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …