Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 pump boat lumubog 4 nawawala, 11 nailigtas (Sa Tawi-tawi)

PINAIGTING ng magkasanib puwersa ng pulisya at Coast Guard ang search and rescue operations upang mahanap ang apat na pasahero ng isang motorized pump boat na tumaob sa tubigan ng bayan ng Simunul, lalawigan ng Tawi-Tawi, noong Lunes, 19 Oktubre.

Ayon kay P/BGen. Samuel Rodriguez, direktor ng Bangsamoro Auto­nomous Region regional police, nauna na nilang nailigtas sa rescue operation ang 11 kataong sakay ng isa pang motorized pump boat.

Kinilala ang mga nailigtas na pasaherong sina Dalson Kadil, Habil Kadil, Noralyn Kadil, Inang Danial, Delma Abdulgafor, Almasil Abdulgafor, Roman Kadil, Alsimal Abdulgafor, Iradzmal Abdulgafor, Nursilyn Kadil, at Airin Danial, pawang mga sakay ng motorized pump boat na may pangalang Ronymal.

Samantala, pinag­haha­nap pa rin ang mga pasahero ng isa pang bangka na may pangalang Baby Nor na kinilalang sina Jig Abdul, Ajil Abdul, Julhamin Abdul, at Raiza Abdul.

Ani Rodriguez, umalis ang dalawang bangka sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Sitangkai patu­ngong bayan ng Bongao, sa naturang lalawigan.

Dahil sa masamang panahon at malalakas na alon, tumaob at lumubog ang dalawang pumpboat mata­pos tamaan ng malaking alon.

Dinala ang mga naunang nailigtas na mga pasahero sa wharf ng Barangay Bakong para sa agarang atensiyong medikal saka inihatid sa bahay ng barangay chairman ng Bakong, sa bayan ng Simunul.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …