Friday , November 22 2024

Viva Morena nakadehado

NAGDIRIWANG ang  mga karerista sa paglilibang sa naganap na pakarera kahapon sa pista ng Metroturf dahil sa muling pagbubukas ng unang tatlumpu’t anim na OTB (Off-Track Betting) Stations na napayagang mag-operate ng IATF (Inter-Action Task Force) sa tulong ng GAB (Games and Amusement Board) at LGU’s (Local Government Unit) na kinasasakupan ng OTB.

 

Sana’y  magtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng iba pang OTBs sa buong Metro Manila at karatig lalawigan, upang sa gayon ay tuluyan nang mabuhay ang sigla ng industriya ng karera sa ating bansa. Sa puntong iyan bukod sa malaking buwis ang papasok sa ating pamahalaan ay maraming pamilya rin ang matutulungan na ang tanging ikinabubuhay lamang ay nasa industriya ng karera.

              

Ipaalala ko lamang mga klasmeyts na kapag magtutungo sa OTB ay sundin ang mga safety protocols ng IATF gaya ng social distancing, tamang pagsusuot ng face mask at face shield hangga’t maaari upang sa gayon ay hindi masilipan ng anumang masama ang OTB na inyong paroroonan. Ang pagsunod sa mga safety protocols ay maituturing na malaking ambag natin iyan sa OTB operator upang magtuloy-tuloy na ang muling pagbangon ng kanilang negosyo matapos ang pitong buwan na natengga, kumbaga kahit na ikaw ay  isang mananaya lamang ay ituring mong isa ka sa may-ari ng OTB. Okidoks.

               

Sa naganap na 2020 PHILRACOM “4YO and Above Open Stakes Race” na takbuhan kahapon sa Metroturf ay nakadehado ang kalahok na si Viva Morena na nirendahan ni Dan Camanero matapos na umpisahang hingan lamang sa may tres oktabos at pagsungaw sa rektahan ay mabilis na umarangkada sa may gawing gitna para lagpasan ang nadikta ng bandera na si Stella Malone ni Unoh Hernandez.

 

Huling 100 metro ng labanan ay klaro na ang dala ni Dan dahil paubos na ang sakay ni Unoh na sumandal na sa may tabing balya, kaya nasorpresa pang nasegunda sa datingan ang rumemateng si Gomper Girl ni King Flores.

 

Nakapagtala si Viva Morena ng tiyempong 1:53.0 (14-23′-24′-24-27) para sa 1,800 meters na distansiya. Bago ang tampok na pakarerang iyan ay walang habas na pinaremate sa kalabas-labasan ng hineteng si Stephen Carmona ang sakay niyang si Crown In My Head mula sa ikawalong posisyon papasok sa ultimo kuwartos ng takbuhan upang lagpasan ang mga kalaban nila na maagang nagkabakbakan sa harapan, kaya naman sa loob ng huling 200 metro ay buong-buo na naagaw nila ang bandera hanggang sa tawirin ang meta. Naorasan si Crown In My Head ng 1:28.6 (13′-23-24′-27′) para sa distansiyang 1,400 meters.    

REKTA
ni Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *