Monday , December 23 2024
arrest posas

PNP officer nasakote sa carnapped vehicle

INARESTO ang isang pulis-Quezon City dahil sa pagmamaneho ng nakaw na sasakyan sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang suspek na si P/SMSgt. Danilo Ragonot Pacurib, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Payatas Police Station 13 at residente sa Antipolo St., Barangay Krus na Ligas, QC.

Sa ulat ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD, dakong 8:00 am kahapon, Oktubre 16, nang maaresto si Pacurib sa kanto ng Commonwealth Avenue at Camaro St., sa harap ng East West Bank, sa Barangay Fairview.

Nagsasagawa ng Anti-Carnapping operation ang mga pulis nang mamataan at parahin ang pulis na sakay ng phantom black na Hyundai Sta. Fe (ABL-1994) dahil sa paglabag sa improvised plate.

Ngunit nang beripikahin ng mga awtoridad ay natuklasang ang minamanehong sasakyan ng pulis ay kabilang sa mga nakaalarmang sasakyan sa PNP -Highway Patrol Group, at pinalitan ng suspek ang plaka nito.

Ang nasabing sasakyan ay nakarehistro na pag-aari ng Universal LMS Finance Corp., at inupahan lamang mula  sa Areza Motor Sales.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 4136 (Unauthorized Use of Improvised Plate at PD 1612 (Anti-Fencing Law) si Pacurib. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *