Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Atletang pambansa  

SA NAGANAP na French Open, nagtagumpay ang Espanyol nang nakuha ni Rafael Nadal ang korona matapos talunin ang Serbiano na si Novak Djokovik. Bago pa man ang Men’s Finals, kompiyansang inianunsiyo ng dating World Number One na tatalunin niya si Nadal at mapapasakanya ang tropeo sa prestihiyosong paligsahan sa tennis.

Ngunit hindi matutupad ang mayabang na fearless forecast ni Novak dahil laglag siya sa sunod-sunod na 6-0, 6-2, at 7-5 na sets. Dito pinatunayan ni Nadal na siya ang tunay na King of Clay, bagay na pinatotoo ng Swissong Roger Federer na nagbigay-pugay kay Nadal nang makuha ang kampeyonato ng French Open.

Hindi dito natatapos ang kuwentohang tennis dahil ipinagbubunyi natin ngayon ang isang 15-anyos dalagitang Filipina na tumuntong sa semi-finals ng Girl’s Juniors ng French Open. Siya ay si Alex Eala, at dahil sa kanyang pag-abot sa semis siya ay tumaas sa Number 2 sa World Tennis Tour Junior Girls Rankings. Si Eala ang nag-iisang Asyano na umabot sa Top 10.

Mahirap at masalimuot ang daan ni Alex patungong French Open, pero sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang at mahal sa buhay natunton niya ito na isang malaking tagumpay din para sa bayan.

Ayon sa official Philippine Sports Commission Facebook page, nagbigay ng pabuya ang PSC kay Eala ng tatlong milyon para sa kanyang biyahe patungong French Open at halos P1.5 milyong panggastos para sa sinalihan niyang anim na international tennis competitions.

Ani PSC Chairman William “Butch” Ramirez: “We are proud of what Alex has achieved in the French Open. This is another milestone for Philippine tennis and Philippine sports. We are happy to be part of her journey.”

Ngunit ang pahayag ng mga magulang ni Alex ay taliwas sa katotohanan dahil ni isang singkong duling ay wala pang natatanggap ang dalagitang tennis sensation sa PSC, at ayon sa ama ni Alex na si Michael Eala, ang pamilya nila ay hindi pa nakatatanggap ng kahit anong suporta mula sa PSC.

Heto ang pahayag ni Mr. Eala: “In the wake of a great run of Alex at Roland Garros, the French Open, it is sad to see that agencies claim to support athletes with millions of pesos inspite of not having given a single centavo.”

Ngunit sa halip nga mga nararanasan ng mag-pamilyang Eala, napakagandang halimbawa para sa ating mga kabataan ang ibinibigay ng mga atletang katulad ni Alex. Inspirasyon siya para sa ating kabataan. Sumasalamin din sa magandang halimbawa ng kalinga na ibinibigay ng kanyang mga magulang. Sa akin, sila ang dapat gawing “role model.”

Dagdag ni Michael Eala: “Raising our kids in highly competitive tennis, we always teach them that the spirit of each sport is fair play. I think it’s safe to say that it should apply to individuals as well as agencies.”

Nakalulungkot na nagkakaganito ang ating mga atleta na pinipilit magdala ng koronang ipuputong sa ulo ng Inang Bayan. Kadalasan napopolitika o kinakasangkapan para itulak ang politika ng kung sino ang nakaluklok. Nangyari ito kay Carlos Yulo noong nakaraang SEA Games, marami ang ipinangako, at ginawa siyang posterboy ng administrasyon, mabuti’t sinalo ang mga gastusin niya ni Manny Pangilinan.

Panahon pa ng dating pamumuno ng PSC ay nagkakaganito na. Umabot pa ang balita na ang mga pambansang atleta na nasa poder ng PSC noong panahon ni Peping Cojuanco ay binibigyan lamang ng food coupons ng McDonalds.

Masaklap po ito dahil ipinapakita lang ng PSC kung gaano kataas ang ibinibigay nilang importansiya para sa ating mga pambansang atleta. Sana po matuldukan na ang ganitong sistema.

Tinanggal na ng PSC ang kanilang Facebook post at ayon sa kanilang “erratum”:

“PSC would like to correct a posting today of P3 million assistance for Alex Eala. It was an unintended misinformation. While there was an approved board resolution to this effect, it was later clarified that this was still being processed and awaiting the required documents. We apologize to the public and the family of Ms. Eala for any misunderstanding this may have caused. The PSC stands by its commitment to support Ms. Eala on previously approved and future training activities and competition. Thank you.”

At bago ko tuldukan ang kolum ko para sa linggong ito, nag-uwi rin si Alex ng Grand Slam Title matapos manalo sa girl’s doubles tournament sa Australian Open kasama ang kanyang Indonesian partner na si Priska Nugroho.

Iniba ko lang nang konti ang talakayan natin ngayong linggo. Dito muna tayo sa mga kuwentong nagtataglay ng maliliit na tagumpay mula sa mga maliliit ngunit mababalasik na tao.

Sila ang tunay na lodi na mapupulutan ng aral at inspirasyon.

Mabuhay ang atletang Pilipino!

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *