Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
kiko pangilinan

Paalala sa DPWH: Manggagawang Pinoy, produktong lokal unahin – Sen. Kiko

HINIKAYAT ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na unahin ang pagkuha ng mga manggagawang Filipino kaysa mga dayuhan sa mga proyekto ng pamahalaan upang matugunan ang mataas na bilang ng walang trabaho sa bansa.

 

Ginawa ni Pangilinan ang panawagan kasunod ng pahayag ng DPWH sa pagdinig ng budget nito na nasa 30 hangang 45 porsiyento ng manggagawa sa ilang proyekto ng gobyerno ay pawang mga Tsino.

 

Ayon kay Pangilinan, dapat mga manggagawang Filipino ang nakikinabang sa malaking pondo ng DPWH para sa mga impraestruktura, lalo ngayong maraming Filipino ang walang trabaho dahil sa pandemya.

Sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre, sinabi ni Pangilinan na pumalo ang unemployment rate sa 39.5 porsiyento o katumbas ng 23.7 milyong Filipino.

 

Iginit ni Pangilinan, dapat tiyakin ng DPWH na prayoridad ang mga manggagawang Filipino kaysa mga dayuhan, lalo na’t pagdating sa mga proyektong may kinalaman sa Official Development Assistance (ODA).

 

Kasabay nito, nanawagan din si Pangilinan kay DPWH Secretary Mark Villar na bigyang prayoridad ang mga lokal na materyales sa mga proyekto ng pamahalalan upang makatulong sa muling pagbuhay ng industriya sa bansa.

 

Nangako si Villar na susundin ang panawagan ni Pangilinan, basta’t pasado ang mga lokal na produkto sa mga itinakdang panuntunan.

 

“I agree completely that we need to help our local industries as they create local jobs. You have my assurance that we will support this cause,” wika ni Villar. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …