Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suporta kay Velasco solido na

BUO na ang majority coalition sa Kamara (de Representantes) matapos makipagsanib ang Nacionalista Party at ang National Unity Party sa coalition na pinangunahan ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Hindi lamang po nalaman kung ang sinibak na House Speaker Alan Peter Cayetano at si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte ay lumagda din sa manifesto para suportahan si Velasco na lider ng Partido Demo­kratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).

Naunang makipag­pulong kay Velasco ang National Unity Party (NUP) na pinamumunuan ni Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga.

Noong Martes ay unang kumalas ang Lakas-CMD at Liberal Party (LP) kay Cayetano para suportahan ang liderato ni Velasco.

Binubuo ng halos lahat ng partido ang Majority Coalitin sa Kamara na kinabibilangan ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), NUP, Lakas, LP, NP at party-list groups.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni 1-Pacmann Partylist Rep. Mikee Romero ang sinabi ni Villafuerte na nag- resign si Cayetano.

Ayon kay Romero, pinatalsik ng 186 kongresista si Cayetano noong nagbotohan sa Celebrity Sports Plaza noong Lunes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …