Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Bakbakan sa 2022 vice presidential race

SA HALIP pagtuunan ng pansin ang mga tatakbong politiko sa pagkapangulo, minabuti nating higit na pulsuhan ang mga posibleng tumakbong kandidato sa pagkabise-presidente sa darating na 2022 presidential election.

Asahang sa darating na Enero, kanya-kanyang postura na ang mga tatakbo sa pagkabise-presidente at tiyak na mararamdaman natin ang kanilang presensiya sa media pati na ang gagawing paglilibot sa lugar ng mahihirap na komunidad.

Ang presidential at vice presidential elections sa 2022 ay nakatakdang isagawa sa 9 Mayo 2022, Lunes. Ito ang ika-pitong presidential election simula noong 1986.

Sa mga inaasahang tatakbo sa pagkabise-presidente, matunog ang pangalan nina Senate president Tito Sotto at Senator Win Gatchalian.  Naririyan din si Atty. Chel Diokno, at siyempre pa si House Speaker Alan Peter Cayetano at dating Senador Bongbong Marcos.

Bagamat lumulutang ang pangalan ni Senator Bong Go at ni Senator Manny Pacquiao na tatakbo sa pagkapangulo, maaaring maging bise presidente na lamang ang ambisyonin ng dalawa kung kakandidato sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa bahagi naman ng Liberal Party, inaasahang si Diokno ang kanilang pipiliin sa kabila ng paglutang ng pangalan ni dating Senador Antonio Trillanes. Maraming kagalit si Trillanes at malamang na walang makuhang boto kung siya ang isasabak na bise-presidente ng LP.

At kung mapagkakasundo naman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sina Go, Pacquiao, Cayetano at Marcos, at isa na lamang sa kanila ang kumandidato bilang bise-presidente ni Sara, higit na malakas ito at makasisigurong walang talo.

Kung magkakaganito, apat ang bise presidenteng tatakbo sa darating na 2022 elections.

Sina Sotto, Gatchalian at Diokno ay walang pag-asang manalo bilang vice president. Malabo silang manalo sa grupo ni Sara dahil na rin sa malawak na makinarya, organisasyon at pondo na gagamitin ng kanilang partido.

Higit na malakas kung si Go ang mapagkakasunduan ng grupo ng administrasyon na tumakbong vice president, at kapag naluklok si Sara sa pagkapangulo, maaaring bigyan ng Cabinet position sina Pacquiao, Cayetano at Marcos.

Pero sa tingin ko, sa tigas ng ulo nitong si Cayetano, hindi ito magpaparaya kina Go, Pacquiao at Marcos, siguradong ipagpipilitan nito ang kanyang sarili na siya ang basbasan sa pagkabise-presidente ni Sara. Ang kulet mo talaga!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *