Saturday , November 16 2024

Pekeng opisyal ng BIR, timbog

NAHULI ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), ang 68-anyos lalaki na nagpapanggap na Enforcement Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagtangkang manghingi ng P25,000 sa isang negosyante para sa kanyang BIR Clearance Certification, nitong Lunes ng hapon sa Binondo, Maynila.

 

Kinilala ang suspek na si Vicente Alberto, nakatira sa  234 D, 5th Avenue, Grace Park, Caloocan City.

 

Nakompiska kay Alberto ang pekeng BIR ID na nakalagay ang pangalan na Mr. Vicente A. Alberto at may posisyon na Revenue Enforcement Officer III, at iba’t ibang pekeng Mission Order/Clearance mula sa BIR.

 

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek nang magreklamo ang biktimang si Adonis Tan, 57, negosyante at may-ari ng PENCO Inc., na matatagpuan sa 474 Elcano St., San Nicolas, Binondo, Maynila.

 

Sa reklamo ng biktima, nagpunta ang suspek sa kanyang establisimiyento at nagpakilalang Revenue Officer ng BIR at hinanapan siya ng BIR Clearance Certification. Nang walang maipakita, hiningian siya ng P25,000 para sa BIR Clearance Certification.

 

Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 177 of RPC (Usurpation of Authority), Art. 172 of RPC (Falsification by a private individual at  Use of Falsified Documents) at Art. 315 RPC (Estafa/Swindling) sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *