Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Murang bakuna para sa lahat giit ni Sen. Bong Go  

MULING nanawagan si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na dapat masiguro ang availability, affordability, at accessibility ng CoVid-19 vaccine oras na maging available na ito sa merkado.

Kasabay nito, umapela si Go sa sambayanan na para maiwasang lalong malunod ang bansa sa dami ng CoVid-19 positive ay mas maiging makiisa sa pamahalaan sa mga hakbang nito para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Go, kailangang mapatigil ang pagkilos ng hindi nakikitang kalaban hanggang magkaroon ng bakuna  laban dito at habang ginagawa ito ay dapat lang na hindi din bumagsak ang  health care system ng bansa.

Ayon kay Go, totoong napakahirap ng buhay ngayon pero prayoridad ngayon ang matigil ang pagkalat ng CoVid-19 sa bansa para mas mapabilis ang pagbabalik sa normal na gawain.

Binigyang diin ni Go na sisiguraduhin niyang walang mapapabayaan lalo ang mga pinakanangangailangang sector sa lipunan.

Dagdag ni Go, patuloy ang paghahanda ng  gobyerno at bilang patunay ay bumuo ng sub-technical working  group on vaccine development na pangungunahan ng  Department of Science and Technology (DOST) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Tututukan ng TWG ang mga potensiyal na vaccine collaboration  sa iba’t ibang bilateral partners para sa mas mabilis at pantay na access sa CoVids-19 vaccine.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …