Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Kelot binoga sa Port Area

PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, kahapon ng umaga, Linggo, sa Port Area, Maynila.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, makikitang nakaupo at tila may hinihintay ang biktima sa Railroad St., Barangay 650, dakong 9:30 am.

Sa ulat, sinabing dalawang lalaki ang lumapit sa nakasandong biktima at ilang minuto ang lumipas ay pinagbabaril ang biktima.

Walang nagsalitang testigo at wala rin umanong nakakikilala sa mga suspek. Hindi umano kilala sa lugar ang biktima.

“Kami, takot na rin e. Kung minsan, gusto ko nang magbitiw kasi kapag ganyan, nangangamba rin kami na baka mamaya balingan kami ng kung sino ang gumagawa ng krimen,” ani Rodolfo Trino, ex-officio ng Barangay 650.

Ipinatawag sa presinto si Trino dahil nakita siya sa CCTV footage na dumaan sa crime scene bago ang insidente.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Homicide Section ng Manila Police District habang patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …