Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasanay sa pandemya dapat isama sa K-12 curriculum — solon

HINIMOK ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Department of Education (DedEd) na isama sa curriculum ng K-12 ang pagtuturo patungkol sa pandemya.

Paliwanag ni Herrera, ang kasalukuyang krisis dulot ng CoVid-19 ay nagbibigay diin sa pangangailangang magkaroon ng pagsasanay ang mga estudyante mula Kindergarten hangang Grade 12 upang maging handa sa mga darating na krisis pangkalusugan.

“Pandemic preparedness must be taught as early as Kindergarten and up to Grade 12 if we want to create a culture of preparedness and infection control in homes and schools,” ani Herrera.

Aniya, dapat maging parte ng lesson plan ng mga guro ang mga kasanayan na nakatuon sa healthy lifestyles na maaaring ipasa sa kanilang mga pamilya.

“We need to make pandemic preparedness a lifestyle by introducing it to children at an early age,” giit ni Herrera.

“I’m sure children will relay whatever they have learned to their parents and everyone at home.”

“Preparing children for pandemics has to be incorporated in our system, so that any future crisis can be dealt in an easier way,” dagdag ng mambabatas.

Tinukoy ni Herrera ang sinabi ng World Health Organization (WHO) at UNICEF na ang mga bata ay kinakailangang magsanay sa mga gawain para maintindihan nila ang safety protocols sa panabon ng pandemya kagaya ng paghuhugas ng kamay, social distancing, ang pag-iwas sa pagkamay (shakehand) at beso-beso, at ang pagtakip ng bibig kung babahin.

“It’s very important that children are taught ways they can avoid getting and spreading COVID-19 and other diseases,”  ayon kay Herrera. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …