Friday , May 9 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang ‘matapobreng hampaslupa’ trending na naman (Pahiram po Mr. Dong Abay)

WALA talagang kupas itong ‘all time favorite’ na ‘matapobreng hampaslupa’ ng mga netizen.

(Pasintabi kay Mr. Dong Abay, idol pahiram ng ‘matapobreng hampaslupa.’)

Aba mantakin ninyong umariba na naman?!

Habang hindi magkandaugaga ang ating frontliners sa medical community dahil sunod-sunod ang dating ng mga pasyenteng infected ng COVID-19 na umabot na sa mahigit 100,000 at humingi na ng tulong sa pamahalaan na kung maaari ay ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Mega Manila, buong kapal ng mukhang iwinasiwas ang kanyang pagiging ‘matapobreng hampaslupa’ sabay sabing: “Hindi na siguro. Pagbutihin nila ang trabaho nila!”

Ms. AVIC, ano ba talaga ang nangyayari sa bossing ninyo?! Wala ba talaga siyang nararamdamang awa?! Mukhang bagsak na bagsak ang ‘emotional quotient’ ni Madam?!

Wala na bang mahiraman ng ‘compassion’ si Mrs. Villar at talagang napaka-insensitive niya sa kalagayan ng marami nating mga kababayan lalo sa hanay ng ating frontliners sa panahon ng pandemya?!

Hindi pa nga nalilimutan ng sambayanan ang mga pinakawalan niyang mga salitang pangmamaliit at walang pakundagan sa kalagayan ng mga kababayan natin noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) na ayaw niyang pabigyan ng ayuda, nurses na nilait, at pagmamaliit sa research ng mga eksperto, heto’t ‘yung medical community naman ang ‘biniktima’ ng kanyang pagiging ‘matapobreng hampaslupa.’           

Heto po ang pinag-uusapan sa medical community dahil sa ‘kagagahan’ ni Madam. “Senator Villar should go and work at a COVID hospital and see how long she will last. How dare certain politicians speak so arrogantly when they are securely tucked away in their homes, away from the battlefield. Easy for them to say when it is not their lives at stake. I suggest that a petition go out asking ALL politicians to work a 12 hr shift in COVID-19 hospitals for at least 4 weeks so they can get an idea of what a FRONTLINER does. The FRONTLINERS have been in the battlefield for at least 20 weeks…”

Pero matapos siyang batikusin sa social media e biglang kumambiyo. Silang mga nasa gobyerno raw ang pinagsasabihan niya.

Silang government leaders kuno ang dapat magtrabaho nang husto para masolusyonan ang epekto ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic sa ekonomiya ng bansa gayondin sa health sector.

Madam Cynthia, huwag kang lip service ha?! Sinabi mo talaga ‘yan ha!

O sige nga patunayan mo ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *