Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Chinese businessman binoga saka ninakawan

PATAY ang isang negosyanteng Chinese nang barilin, habang naglalakad sa kalsada, ng isang gunman kamakalawa ng hapon malapit sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Richman Neal Chua So, 48 anyos, may-ari ng Lamp & Lights Store sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, batay sa CCTV footage, dakong 5:00 pm nang namataang naglalakad si So sa Alonzo St., bitbit ang isang bag, habang sinusundan ng isang matangkad na lalaki, naka-jacket, at nakasuot ng face mask.

Tuloy-tuloy na naglalakad si So nang bigla itong bumalik at tila may itinayong natumbang bagay.

Sa pagkakataong ito, nakadikit na sa biktima ang suspek at siya ay malapitang binaril.

Nang bumagsak, agad dinampot ng suspek ang dalang bag ng biktima saka sumakay sa get-away motorcycle na minamaneho ng kanyang kasama.

Sa social media post, sinabing ang biktima ay may-ari ng Lamp & Lights Store malapit sa Arranque.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …