Monday , December 23 2024
Helping Hand senior citizen
Helping Hand senior citizen

Amyenda sa Centenarian Act dapat unahin ng Kamara

IGINIIT ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos sa Kamara na dapat unahin ang amyenda sa Centenarian Act na nagbibigay ng pinansiyal na insentibo sa mga senior citizens lalo ngayong panahon ng pandemya.

Ani Delos Santos dapat palawakin ang benepisyo para sa mga seniors.

“The amendment to the Centenarian Act would allow more of our senior citizens to benefit from the assistance provided under the law,” ani Delos Santos.

“The monetary aid would alleviate some hardships of our elders in the short-term by allowing them to purchase main­tenance medicines and other needs particularly in the midst of a health crisis,” dagdag niya. Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) nagsa­sabi na ang dumaraming senior citizens sa bansa sa kabila na nanatili ang median age na nasa 23 taong gulang lamang noong 22010.

Paliwanag ni De Los Santos ang seniors ay 4.57 milyon noong 2000 at naging 7.55 milyon noong 2015.

Ayon sa PSA 38 porsiyento ng mga seniors ay  70 pataas.

“Habang lumalaki ang populasyon ng mga lolo at lola, huwag na natin silang paghintayin pa nang matagal para sa mga benepisyong para sa kanila naman. Ang gusto natin ay ma-enjoy at mapakinabangan ng ating senior citizens ang cash gift lalo sa panahong ito,” ani Delos Santos.

Sa House Bill No. 4067 na inihain ni Delos Santos, gusto niyang i-advance na ang P100,000 cash incentive para sa mga umabot 100 years old.

Aniya, dapat ibigay na ang P25,000 sa mga 70 anyos; sa mga 80 anyos; sa 90 anyos; at ang P100,000 pagdating ng 100 anyos.

“The just and humane society that we as a people envision in the Constitution is one which takes care of their elderly and values their dignity as persons. This bill is a step towards that direction,” ayon kay Delos Santos.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *