Thursday , December 26 2024
Covid-19 positive

7 close contacts ng LSIs sa Naga nagpositibo sa Covid-19

POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, 28 Hunyo, ang pitong residente ng lungsod ng Naga, lalawigan ng  Camarines Sur, na nag­karoon ng close contact sa locally stranded individuals (LSIs) mula sa bayan ng Naic, sa lalawigan ng Cavite.

Dagdag ito sa dala­wang naunang close contact na nagpositibo sa SARS-CoV-2, virus na sanhi ng COVID-19, noong Sabado, 27 Hunyo.

Dahil dito, umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa 19, at 108 sa buong rehiyon ng Bicol.

Ang mga bagong kaso sa lungsod ng Naga ay mga nakalamuha ng mga pasyenteng kinilala bilang Bicol#91 at Bicol#92, na umuwi noong 14 Hunyo sa naturang lungsod.

Nakaranas ng sintomas ang isa sa dalawang umuwing LSI dalawang araw matapos sumailalim sa home quarantine, kaya sumailalim ang lahat ng LSI sa rapid tests, at dalawa sa kanila ang nagpositibo.

Lumabas ang resulta ng kanilang swab tests o polymerase chain reaction (PCR) machine test noong 25 Hunyo.

Noong Sabado ng gabi, (27 Hunyo), nagpadala ng liham si Naga City Mayor Nelson Legacion kay Pangulong Rodrigo Duterte, DOH, at Depart­ment of Interior and Local Government na humihiling na pansamantalang suspen­dehin ang pagpapabalik ng mga LSI sa kanilang lungsod dahil sa kaku­langan ng kanilang pondo at may mga bago silang aktibong kaso ng COVID-19.

Sa kaniyang liham, sinabi ni Legacion na puno na ang Bicol Medical Center (BMC) simula pa noong Sabado, 27 Hunyo.

Pahayag ng alkalde, bagaman gusto nilang tanggapin ang mga umu­uwing Nagueño, kailangan ng lungsod ng panahong matugunan ang mga bagong kaso ng COVID-19 at kailangan din nilang magtayo ng mga border control at karagdagang health care resources.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *