Monday , December 23 2024
deped Digital education online learning

Mga guro bigyan ng laptop — solon

SA PANAHON ng pandemyang COVID-19, maraming kompanya ang nagpatupad ng patakarang work-from-home (WFH) kaya minarapat ng pamahalaan na sa bahay na lamang din umano ang mga estudyante.

Iginiit ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Malacañang na bigyan ang mga guro ng laptop upang masigurado na makapagturo sa pamamagitan ng internet.

Ani Herrera, maaaring isama sa darating na pambansang budget para sa susunod na taon ang alokasyon para sa Department of Education (DepEd) upang makabili ng 880,000 laptops para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

“We hope that a budget for the purchase of laptops for all teachers in public schools will be included in the 2021 National Expenditure Program to be submitted by Malacañang to Congress in July or August,” ani Herrera.

Aniya napakaimportante ang laptop sa mga guro sa online teaching ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

“We have to make sure that our teachers are equipped with at least the most basic technology tool for online teaching, which is a laptop,” ayon sa kongresista.

Naunang sinabi ng DepEd na kailangan ng P27 bilyon upang makabili ng mga laptop para sa mga guro.

“By having a laptop, teachers can enhance the curriculum, providing students with extensive research opportunities, access to up-to-date information and many other learning benefits,” aniya.

Ayon sa DepEd, 190,574 laptops ang kaya nitong bilihin para sa 22 porsiyento ng lahat ng guro ng ahensiya.

Ang natitirang 78 porsiyento o 680,000 guro ay dapat makasama sa budget na isusumite ng Malacañang sa Kongreso.

Sa Article VII, Section 22 ng 1987 Constitution, ang Presidente ay may mandatong magsumite sa Kongreso ng  “budget of expenditures and sources of financing, including receipts from existing and proposed revenue measures,” sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Ang pangalawang regular na sesyon sa ika-18 Kongreso ay magbubukas sa Hulyo 27.

(GERRY BALDO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *