Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Pulis-Davao todas sa sariling boga

PATAY ang isang pulis matapos aksidenteng pumutok ang nililinis niyang service pistol noong Martes ng hapon, 16 Hunyo, sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Tubod, bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur.

Kinilala ni P/Maj. Peter Glenn Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Patrolman Kim Lester Cosido, 27 anyos, nakatalaga sa Digos City police station at bilang security escort ni Mayor Josef Cagas.

Ayon kay Ipong, nililinis ni Cosido ang kaniyang Taurus TS9 baril sa labas ng kaniyang bahay nang aksidente itong pumutok at tumama sa dibdib ng biktima.

Isinugod si Cosido sa Viacrusis Medical Hospital, kung saan siya idineklarang patay nang idating sa ospital.

Nabatid, day-off mula sa kaniyang official na duty ang pulis nang maganap ang insidente.

Narekober ng mga imbestigador ang pumutok na baril, magasin na may 15 pirasong bala ng 9mm, isang firearm case, at mga panlinis ng baril.

Isinialim din si Cosido sa paraffin examination upang matukoy kung siya ang aksidenteng nakaputok ng baril sa sarili.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …