Monday , December 23 2024

DILG sa LGUs: Mas maging agresibo vs COVID-19

SA PATULOY na paglobo ng bilang ng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang  mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na mas maging agresibo sa pagpapatupad ng localized lockdown.

 

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) at nagsisilbing Vice Chairperson, bagaman nababawasan ang bilang ng mga namamatay ay patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

 

Ayon sa kalihim, ngayong kasagsagan ng pag-iral ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ)  sa rehiyon ay dapat na mas maging agresibo ang  LGUs sa NCR sa pagpapatupad ng barangay lockdown sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang paghahawahan ng virus.

 

Nitong Lunes ng hatinggabi, una nang inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili pa rin sa GCQ ang Metro Manila, base sa rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) at IATF.

 

Samantala, naibalik sa ilalim ng mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City, na dating nasa GCQ tulad ng Metro Manila, dahil sa dumaraming kaso ng virus.

 

Ani Año, target ng DILG na dagdagan ang puwersa ng mga pulis sa Cebu City para tumulong sa pagpapairal ng ECQ doon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *