Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

FB page ng Lucban-PNP tinanggal (Sa kontrobersiyal na ‘dress code’ post)

HINDI na makita ang opisyal na Facebook page ng Lucban Municipal Police Office nitong Linggo ng umaga, 14 Hunyo, kasunod ng kontrobersiyal na post na nagsasabing hindi dapat magsuot ng maiikling damit ang mga kababaihan para hindi mabastos o hindi magahasa.

Sa kanilang viral post na may petsang 11 Hunyo, pinaalalahanan ng Lucban Municipal Police Office sa lalawigan ng Quezon, na ang mga babae ay dapat minamahal at hindi inaabuso.

Ngunit naging kontrobersiyal ang post dahil sa pangalawang bahagi nito na nagsasabing: “Kayo naman mga gherlsz, ‘wag kayo magsusuot ng pagkaikli-ikling damit at ‘pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin. Isipin n’yo rin!”

Binura sa FB page ng pulisya ng Lucban ang post matapos umani ng batikos mula sa netizens.

Sa kanilang pahayag noong Sabado, 13 Hunyo, inutusan ni P/Gen. Archie Gamboa, hepe ng Philippine National Police, ang Directorate for Police Community Relations (DPCR) na imbestigahan ang insidente.

Aniya, mariing sinusu­portahan ng PNP ang proteksiyon para sa mga bata at kababaihan, at mahigpit din nilang pinatutupad ang guidelines sa kanilang mga tauhan kagnay ng pagpo-post sa social media.

Dagdag ni Gamboa, maaaring patawan ng mga kasong kriminal atr administratibo ang sinu­mang mapatu­tuna­yang lumabag dito.

Samantala, hindi pa nakokompirma kung ang pagkawala ng Facebook page ng Lucban Municipal Police Office ay utos mula sa PNP national office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …