TENGGA pa rin si Pokwang at hindi pa makapag-resume ng shooting ng movie niya sa Regal Entertainment, ang Mommy Issues.
Ito sana ang offering ng Regal noong nakaraang Mother’s Day eh dahil sa lockdown, pansamantalang itinigil ito.
Ngayon nasa general community quarantine na ang Metro Manila, puwede nang mag-resume ang tapings, shootings, at live shows sa TV gaya ng Eat Bulaga last Monday na bumalik na sa ere.
May susundin na ring health protocols ang members ng Philippine Motion Producers Association of the Philippines sakaling nagsimula na silang mag-shooting.
Tinanong namin si Roselle Monteverde ng Regal na isa sa members ng PMPPA kung balik-shooting na sila.
Tugon ni Roselle, “Depends when cinemas will open. Depends if the production cost will increase.
“I’m still looking at delaying shoot.”
Sa totoo lang, mayroon isang producer nga na may natengga ring malaking project. Ilang araw na lang ang shooting days na naiwan.
Lolobo ang budget kapag sinunod ang ilan sa protocols sa new normal.
Eh once matapos, problema rin sa showing nito sa mga sinehan dahil limitado rin ang puwedeng manood, huh!
Masakaap talaga ang naging epekto ng pandemic sa movie industry na isa sa most taxed industry sa bansa!
I-FLEX
ni Jun Nardo