Thursday , December 26 2024

Tone-toneladang kamatis itinambak sa Vizcaya, Ifugao  

BUNSOD ng mababang presyo ng kamatis sa kabila ng mataas na produksiyon, napipilitan ang mga vegetable farmer na itambak na lamang sa gilid ng kalsada ng mga lalawigan ng Ifugao at Nueva Viscaya ang maliliit at katamtamang ang laking kamatis.

Noong 2 Hunyo 2020, natagpuang itinambak sa mga kalsada sa bayan ng Tinoc sa lalawigan ng Ifugao ang tone-toneladang kamatis.

Samantala, noong isang linggo, iniwan din ang malaking ani ng kamatis sa mga kalsada ng bayan ng Bambang, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Adrian Albano, administardor ng Ifugao Highland Farmers’ Forum sa isang panayam sa telepono noong 4 Hunyo, dagdag sa pasanin ng mga vegetable farmer simula ang idineklarang quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Aniya, ang dagsa ng suplay ng kamatis ay dahil sa paiba-ibang iskedyul ng pagbibiyahe ng gulay mula sa lalawigan ng Ifugao.

Bumaba ang presyo ng kamatis hanggang P4 at P5 kada kilo, halos kalahati sa presyong P12 kada kilo na kikita ang vegetable farmers.

Nakita sa mga transaksiyon noong 4 Hunyo sa Nueva Vizcaya Agricultural terminal sa bayan ng Bambang, bumaba hanggang P6 at P7 ang kilo ng kalabasa habang ang dilaw na luya ay mabibili sa halagang P15-18 kada kilo.

Sa kabila nito, ibinigay ng mga vegetable farmer ang bahagi ng kanilang mga ani sa mga komunidad na nasa ilalim ng quarantine.

Upang mailigtas ang mga inabandong kamatis, nagpadala ng mga trak ang mga lokal na pamahalaan ng Aritao at Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya; maging ang pamahalaang bayan ng Kiangan at Lagawe upang kunin ang mga kamatis na hindi naihatid sa mga pamilihan.

Idinagdag ng mga nasabing LGU ang 4,000 kilong kamatis sa 1,500 kilong bell pepper na ipinamahagi nila sa mga mamamayang nananatiling nasa loob ng kanilang mga bahay.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *