Monday , December 23 2024

PCSO, malaking tulong sa COVID-19 victims, etc…  

SINO-SINO ba ang mga maituturing na COVID 19 victims, ang mga nahawaan lang ba ng virus? Literally, masasabing direktang biktima ang mga nahawaan ng “veerus” – ‘ika nga ni Pangulong Duterte.

 

Pero kung susuriin, hindi lamang ang mga nahawaan ang maituturing na biktima at sa halip, lahat tayo ay naapektohan o biktima. Marami ang nawalan ng hanapbuhay – sa loob ng mahigit dalawang buwan na… at may mga masasabing psychologically, at emotionally victims, etc.

 

Oo dami rin napapraning sa virus na ito…may kaunting karamdaman lang ay natataranta na sa takot na baka na-covid na. Pero sa awa at pagmamahal ng Diyos ay normal naman pala sila. Masasabi kong kabilang tayo sa kung minsan ay natatakot — ‘anxiousness.’ But with God’s care and healing, nasa mabuting kalagayan at kalusugan tayo maging ang aking pamilya.

Sa pag-atake ng virus na ‘made in China’ ( ito lang yata ang produkto ng China na matibay-tibay. Hehehe…joke lang) mabuti naman at hindi naging pabaya ang pamahalaan bagamat, nagkaroon pa rin ng mga problema sa pagbibigay ng relief goods lalo na ang cash aid , Social Amelioration Program (SAP).

 

Nakalulungkot nga lang dahil may mga opisyal na sinamantala ang SAP – pinagnakawan pa rin ang pondo. Mabuti naman at nabuko ang marami sa kanila at kinasuhan na.

 

Sa pagsalanta ng COVID 19, isa sa may malaking naitulong ang Philippine Charity Sweepstakes (PSCO). Tigil man ang operasyon ng PCSO dahil lockdown, nakap-agambag pa rin ang ahensiya ng mahigit P3 bilyon. Malaking tulong itong inilabas ni PCSO General Manager Royina Garma.

 

Ang P3 bilyon ay ibinahagi sa PhilHealth, Malasakit Center, mga ospital at sa mga kababayan natin na patuloy na lumalapit sa ahensiya.

 

Tama si Garman sa pagsasabing, kailangan magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa health systems, social services, at economic activities ng “Bayanihan to Heal as One Act” ni Pangulong Duterte.

 

Nang mag-lockdown noong 15 Marso 2020, huminto rin ang PCSO. Ibig sabihin, kahit na walang kita ay ipinagpatuloy ng PCSO sa kautusan ni Garma ang pagsuporta sa gobyerno at publiko.

 

Talagang maaasahan ang PCSO. Kunsabagay subok na ang ahensiya, kahit na walang COVID ay talagang tumutulong. Pero siyempre para lalong makatulong at hindi matuyuan ng pondo ang PCSO, dapat nang buksan ito para makakalap ng pondo at maraming matulungan. POGO nga e, pinayagan, iyong sariling palaro natin dapat lang din.

 

Siyempre sa pagbubukas, ang palaro ng PCSO – Small Town Lottery, Lotto, Keno, Sweepstakes at Scratch-it, makakakalap ng karagdagang pondo ang ahensiya. Ang pondong makakalap ay ibinabalik din sa health care ng mahihirap.

 

Sa datos, may 867 Pinoy ang naayudahan ng PCSO sa halagang P6.2 milyon para sa kanilang Medical Access Program (MAP) nitong 21 Mayo 2020.

Kinabukasan ay may 871 at umabot sa P7.1 milyon nagamit.

Nauna rito, nakapagbigay ng P420 mil­yon ang PCSO sa PhilHealth para gamitin sa ospital ng COVID patients. Mayroon pang P447 milyon naibigay sa 82 ospital ng gobyerno para pambili ng testing kits, reagents, medical/diagnostic equipment, confinement, medicines, laboratory/diagnostic procedures, at personal protective equipment.

Ganyan kung tumulong ang PCSO, todo-todo. Kung baga, ibinabalik din sa publiko ang kinita.

Mayroon pa, naglabas ng karagdagang pondo (P4.2) ang ahensiya para sa fund allocation ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Philippine General Hospital, Rizal Medical Center at Taguig Pateros District Hospital.

Hindi lang ito, there’s more…galing talaga ng PCSO. Oo, namigay pa ng ambulansiya, food packs, alcohol, disinfecting solutions at face masks sa pulisya. May libreng sakay pa para sa frontlines. Habang hiwalay pa ang ipinadalang advance release ng dibidendo na halagang P2.2 bilyon sa Department of Finance bilang goverment-owned or controlled corporation (GOCC).

Kaya, nararapat nang buksan ang PCSO – nakita naman natin kung paano tumulong at kung paano ibinabalik ng ahensiya sa publiko ang nalikom na pondo mula sa iba’t ibang palaro ng PCSO.

 

E ang POGO, nalalapitan ba para tulungan ang mga kababayan natin may sakit? May utang pa nga yata ang POGO sa BIR. Kaya kapag GCQ na, dapat magpalaro na uli ang PSCO para marami pang matulungan lalo sa situwasyon ngayon. Ibinabalik naman ang kita sa publiko.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *