Monday , December 23 2024

Mandatory immunization laban sa COVID-19 – solon

IGINIIT ni House Committee on Health chairman Rep. Angelina Tan sa administrasyong Duterte na magkaroon ng mandatory immunization laban sa COVID-19 bilang pagpuksa sa panibagong outbreak bg virus.

 

Sa kauna-unahang “Kapihan Sa Manila Bay” sa pamamagitan ng teleconferencing kahapon, sinabi ni Tan na importante ang malawakang immunization program habang nasa ang mga tao.

 

“We have several initiatives in Congress in relation to the country’s immunization program,” ani Tan.

 

“We are pushing for the creation of the NITAG, a national immunization advisory board, and we are trying to adopt a school-based immunization program that will benefit our students,” dagdag ni Tan.

 

Iginiit ni Tan, dapat magkaroon ng “competitive bidding” sa pagbili ng vaccines.

 

“An important element in the immunization program is to ensure that the procurement of vaccines is done in such a way that no single manufacturer is favored. The specifications in bidding should not favor a single brand,” aniya.

 

Noong nakaraang taon, sinuspendi ng Department of Health (DOH) ang bidding sa pneumococcal conjugate vaccines (PCVs) matapos matuklasan ng medical experts na may pinaboran itong manufacturer.

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nandoon din sa media forum, sinuspendi ng DOH ang bidding para sa PCVs nang may makitang bagong ebidensiya.

“Noong lumabas ang bagong ebidensiya na isinumite sa atin, ang desisyon namin ay ipasok muna sa Health Technology Assessment Center (HTAC). HTAC is reviewing the procurement, which is really the right process. Ngayon po hindi pa lumalabas ang recommendation ng HTAC,” ayon kay Vergeire.

 

“Hindi natin itinigil, hinihintay lang namin ang recommendation ng HTAC at itutuloy natin ang programa,” aniya.

 

Nauna ng hiniling ng DOH sa HTAC na rebyuhin ang National Immunization Program (NIP), partikular ang Pneumococcal Vaccination Program para sa mga bata bunsod ng bagong ebidensiya ng World Health Organization (WHO) noong 2017.

 

Noong Pebrero 2019, iginiit ng WHO ang sinabi na ang dalawang PCVs na nasa merkado na — PCV10 at PCV13 — ay parehong epektibo laban sa pneumococcal diseases sa mga bata.

 

“Both vaccines exist. If the health assessment proves that both PCV10 and PCV13 have the same effects, then we need to go through a procurement process that’s open and competitive so the government can save on costs,” ani Tan.

 

Ayon kay Rep. Adriano Ebcas ng Ako Padayon Pilipino Party-list dapat ituloy ng DOH ang pagbakuna sa mga bata alinsunod sa National Immunization Program kahit may pandemya sa COVID-19. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *