Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Artista at iba pang personalidad gamitin sa online teaching – Solon

SA GITNA ng pangamba sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata habang umiiral ang general community quarantine (GCQ) o “new normal” ngunit hindi pa napupuksa ang pandemyang COVID-19, hinimok ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na mas magiging interesado ang mga bata sa pag-aaral online o kahit sa TV at radyo, kung mga kilalang personalidad na kanilang makikita at maririnig na nagtuturo ng mga leksiyon ng paaralan.

Naniniwala si Taduran, makukuha ang atensiyon ng mga bata at mas maipatitimo sa kanilang isipan ang natutuhan kapag ang kanilang hinahangaan ang magiging teachers.

Pinapurihan ng Asst. House Majority Floorleader ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa kanilang alok sa Department of Education na gamitin ang television at radio stations ng pamahaalaan para sa implementasyon ng learning continuity plan sa harap ng ‘new normal’ sa pag-aaral sanhi ng pandemyang COVID-19.

“Kailangan maging interesting para sa mga bata ang pag-aaral kahit wala sila sa loob ng classroom. Isa sa mga makakukuha ng kanilang full attention ay kung mga kilalang personalidad ang kanilang makikita o maririnig na nagtuturo. Gawin din entertaining ang pag-aaral,” ani Taduran.

Hinikayat ni Taduran ang mga pribadong estasyon ng telebisyon at radyo na ibalik ang mga programang pambata na magbibigay ng aral at kagandahang asal.

Ipinaala ni Taduran na obligasyon nila ito sa ilalim ng Broadcast Code of 2007.

“Nasa Broadcast Code of the Philippines ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na dapat ay 15% ng mga programa sa telebisyon at kahit sa radyo ay para sa mga bata. It is the responsibility of the TV and radio stations to promote mental, physical, social and emotional development of the children through their programs,” ayon kay Taduran.  (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …