BINIGYANG-LINAW ni Sharon Cuneta na silang taga-ABS-CBN ay hindi nakikipaglaban kay President Digong Duterte sa isang Instagram post.
“Mga kaibigan at Kapamilya, Gusto lang po naming linawin na we at ABS-CBN are not fighting the President.
“We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin ‘yan.
“Para lang po malinaw. Salamat po,” caption ni Shawie.
Bukod sa paglilinaw, pinatulan ng megastar ang isang troll na kaugnay ng franchise issue.
Bahagi ng banat ni Shawie, “Sabagay trolls kayo hanggang diyan na lang abutin nyo sa buhay.
“Magdasal na lang kayo na matapos na ang COVD-19 maayos na ang ABS-CBN anuman ang problema ng ilang empleyado nila, at magkaroon pa rin ng trabaho ang higit na 11,000 employees ng kumpanya na maayos na sumusuweldo. God bless you.”
I-FLEX
ni Jun Nardo