Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, Gabby, Tonton, Glydel, at Rhea Tan, pangungunahan ang launching ng bagong Beautederm products

DALAWANG bagong produkto ang ilulungsad ng Beautederm, ito ang Beauté L’ Tous at Beauté L’ Cheveux. Ito’y bilang sagot sa pagtaas at demand sa natural beauty movement na mabilis na humuhubog sa multi-billion beauty industry mula pa noong taong 2017.

Mula sa mahigit 40 na brand ambassadors ng Beautederm na galing sa mga industriya na tulad ng pelikula, telebisyon, musika, at public service, ang Beautederm Corporation ay nasa forefront ng local beauty industry ng higit isang dekada na, bilang isang pinagkakatiwalaang brand ng maraming beauty aficionados hindi lang sa Filipinas pero sa buong mundo rin.

Pangungunahan ang launching ng mga bagong produktong ito ng Face of BeauteDerm na si Ms. Sylvia Sanchez. Kasama rito ng award-winning actress ang mga kapatid sa BeauteDerm family na sina Gabby Concepcion, Glydel Mercado, at Tonton Gutierrez,

Bunga ng layunin na makagawa ng ligtas at epektibong produkto, ang kompanya ay opisyal na inilulungsad ang bagong line of natural beauty products sa pangunguna ng President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Ipinahayag ni Ms. Rhea ang kanyang excitement sa Beautéderm’s newest line. Saad ng lady boss ng Beautederm, “We’ve put in a lot of hard work over the past year to develop a line of serious skin scare without harsh chemicals that delivers the best and most visible results without compromising safety. We wanted to use only the most powerful ingredients to produce results exceeding the quality and effectiveness of synthetic mainstream products. We finally did it!”

Base sa masusing pag-aaral, tinatayang 60% ng ipinapahid or ina-apply sa ating balat ay naa-absorb ng ating katawan. Ito ay nangangahulugan na ang cosmetics-loving individuals ay maaaring makakuha ng taunang absorption rate na 5 lbs. na katumbas ng kemikal sa kanilang mga katawan.

Kaya naman nararapat para sa end users na lumipat sa paggamit ng natural beauty products tulad ng mga inilungsad ng Beautèderm. Ang Beaute L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion na ligtas gamitin ng lahat at madaling ibulsa o ilagay sa bag, ay paborito ng mga consumer, habang ang Beaute L’ Cheveux ay isang natural hair oil na mabilis gumagana para maayos ang buhok nang walang bigat ng synthetic silicone.

Ang proseso na ginamit sa paggawa ng mga produktong ito ay nagpapakita kung paanong ang isang natural beauty product na ito ng Beautederm Corporation ay tunay na game changer sa beauty industry.

“As we use only the most powerful and effective natural ingredients, our main consideration is to respect their integrity during the manufacturing process. As such, we only use Cold Process Manufacturing so as to preserve the potency of our natural active ingredients,” esplika pa ni Ms. Rhea.

Kaya naman sa mga gumagamit pa rin ng synthetic mainstream products na naglalaman ng health threatening substances tulad ng parabens, sulfates, phthalates, triclosan, pati na rin ng synthetic colors at fragrances, ang best gift sa sarili lalo na sa panahon ngayon na ang good health ay napakahalaga, ang best gift ay ang mag-switch sa Beautéderm Corporation’s natural beauty products.

Dagdag pa ni Ms. Rhea, “We will all be with our skin for a very long time and we deserve the best and safest products not only to glow and be radiant but also to be well and healthy without the fear of unwanted chemicals.”

Maliban sa Beauté L’ Tous at Beauté L’ Cheveux, ang Beautéderm Corporation ay naghahanda na sa paglungsad ng iba pang exciting natural beauty products sa mga susunod na mga buwan.

Matatandaang last February ay nagkaroon ng launching ng bagong produkto ang Beautéderm. Ito ang Spruce & Dash na FDA Notified, kabilang dito ang Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade. Ang ilan sa mga guwapings sa BeauteDerm family na sina Carlo Aquino, Arjo Atayde, at Darren Espanto ang nanguna sa launching ng Spruce & Dash.

Para sa iba pang information and updates, follow @beautédermcorporation on Instagram and like Beautéderm Corporation of Facebook.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …