Sunday , December 22 2024

Taas-singil ng Philhealth wrong-timing

NANANAWAGAN si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Philhealth na ipagpaliban ang pagtataas ng contributions ng overseas Filipino workers (OFWs) habang hinihimok ang Pangulong Duterte na iatras and kontrobersiyal na order sa gitna ng kahirapang dinaranas ngayong may krisis pangkalusugan.

Sa Circular No. 2020-0014, ang OFWs na may income mula P10,000 at P20,000 ay kailangang mag bayad ng 3% ng kanilang suweldo mula ngayong taon na dati ay 2.75% lamang noong 2019.

“Hindi ako sang-ayon sa pagtaas na ito. Dapat nga moratorium sa pagbabayad ang ginagawa ng gobyerno dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 sa lahat ng tao saan mang bahagi ng mundo. Dapat ay tinutulungan natin ang OFWs at hindi pinahihirapan,” ani Hataman, ang dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“At nanawagan ako sa ating Pangulo na pigilin ang implementasyon ng pagtataas ng singil ng PhilHealth sa mga OFW. At a time when even verbal orders from him are heeded, a mere pronouncement from him can temporarily stop the collection of fees. I think we are all in agreement that now is not the right time to  impose that particular provision of the UHC Law. Ceasefire muna sa bagong singil,” dagdag ni Hataman.

Ang memo ng PhilHealth ay bunsod sa nakasaad sa Universal Health Care Law na ipinasa ng Kongreso.

Ani Hataman, ang moratorium sa mga babayarin ay nararapat din ibigay sa OFWs.

“The COVID-19 pandemic endangers not just the health of our OFWS, but their jobs as well. Many are taking pay cuts or, worse, have lost their jobs. The threat of being sent back home where jobs are nonexistent is high,” anang kongresista ng Basilan.

“The same privilege should be given to our OFWs. What we give our corporations here, we should also extend to our compatriots abroad. If they need relief, then they should be treated to the same kind of compassion. Kung may tax cut para sa mga korporasyon, may fee moratorium din dapat sa mga OFW,” dagdag ng mambabatas.

“Lumalaki po ang gastusin ng pamahalaan laban sa pandemic. Magandang oportunidad ito upang pag-aralan kung gaano ba talaga kalaki ang salaping kailangan at kung paano popondohan ito,” mungkahi ni Hataman. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *