INAATAKE ng anxiety paminsan-misan si Jasmine Curtis-Smith to the point na halos batong-bato na sa lungkot na dala ng enhanced community quarantine.
Imagine, nag-iisa lang kasi si Jasmine sa bahay nang ipatupad ang ECQ. Nasa Australia ang mga magulang niya pati na ang Ate Anne Curtis niya na hindi pa rin makauwi.
“If I can be honest, nitong last weekend medyo umiikot na ang utak ko. Anxiety started na, na parang pag mag-isa ka, ‘yung challenge is mabato ka sa pagiging mag-isa mo, that definitely sparks anxiety and loneliness,” pahayag ni Jasmine sa interview ng GMA.
Inaaliw na lang niya ang sarili sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kamag-anak. Madalas din niyang kachika ang co-stars niya sa Descendants of the Sun.
Eh kahit all alone sa bahay, katuwang din si Jasmine sa regular na pagpapakain sa mga frontliner na project ni Robin Padilla at manager nitong si Betchay Vidanes.
I-FLEX
ni Jun Nardo