KASAMA ang kanyang mga kaibigan, naging bukas-palad ang Kapuso comedian na si Boobay sa pagtulong sa mga kababayan nating kapos sa maraming bagay tuladd ng pagkain dahil sa Covid-19.
At para mas maraming matulungan, kinakusap ni Boobay ang kanyang mga kaibigan at kakilala na gustong tumulong at ito ay kanilang pinagsasama-sama at ibinibigay sa ating mga frontliner at mga hirap sa buhay.
Iba’t ibang pakete ng biskwit, kape, at mga delata ang ini-repack ni Boobay kasama ang kanyang mga kapwa komedyante na sina Pepita Curtis, AJ Tamiza, Nhoi Taleon, at Yvona sa tulong ng mabait at generous na Eat Bulaga co-host na si Allan K na kanilang ibinabahagi.
“Para po sa mga minamahal nating #FRONTLINERS…. mabuhay po kayo! @allan_klownz @pepitacurtis @ajtamiza @nhoitaleon @bouncerdiva @ianred25,” ang caption ni Boobay sa kanyang Instagram post.
Ayon naman sa IG post ni Pepita, bibigyan din nila ng donasyon ang staff ng Klownz at Zirkoh.
MATABIL
ni John Fontanilla
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com