VINDICATED ang broadcast journalist na si Arnold Clavio nang i-post niya sa kanyang Instagram ang ilang bangkay na nasa hallway ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa halip na sa morgue ng ospital.
Frontliner ang source ni Igan ng balita ayon sa post niya. Umabot sa 20 ang bangkay although sampu lang ang ini-report sa kanya.
“Salamat sa CNN Philippines sa kredito (‘di skin kundi sa mga frontliner) at napatunayan nila na hindi ito fake news,” bahagi ng caption ng Kapuso broadcast journalist.
Ipinagdiinan ni Clavio na, “Hindi ko sinabi na DOH ang nag-utos o pamunuan ng EAMC.”
Sa expose ni Arnold, isang @hummersoliman ang nagpadala ng 40-feet refrigerated container van sa EAMC para pansamantalang paglagakan ng mga bangkay.
“Maraming salamat po sa mabilis ninyong aksiyon at hindi na mangangamba ang mga frontliner sa kanilang kaligtasan.
“May ilan na rin na kumuwestiyon sa aking motibo. Pero sa mga naging reaksiyon ng gobyerno at pribado, ay sapat na at nangibabaw pa rin ang pakikipag-kapwa tao at ‘yun ang mahalaga.
“Ang pagdudahan ang mabuting intension ng mga frontliner ay walang maidudulot na solusyon. Naging munting tinig lang po ako nila.
“Nanaig pa rin ang katotohanan. Purihin ang Ama.”
I-FLEX
ni Jun Nardo