Friday , November 15 2024

Be a Joy Giver… point people to Jesus  

MAHIGIT dalawang linggo na ang nakalilipas nang iimplementa ang enhanced community quarantine na nagsimula nitong 15 Marso 2020.

 

Kamusta naman ang inyong ‘pagkulong’ sa bahay? Masaya ba? Nakaka-bored ba? Masaya hindi po ba? At least araw-araw mong kasama ang inyong pamilya. Hindi iyong lagi kang walang oras o bitin sa oras mo para sa kanila.

 

Ngayon, lagi kayong magkakasabay kumain. Hindi tulad noong walang quarantine ay bibihira kayong magkasabay kumain. Kaya hindi boring ang quarantine. Yes, this is a big blessing from the LORD.

 

Higit sa lahat, magkakasama kayong manalangin – pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob Niya at sama-samang purihin ang kanyang kadakilaan.

 

Kaya ang tawag ko sa quarantine ay quaranTIME. We have all the TIME for our family at especially to PRAY together lalo na’t nahaharap tayo sa matinding pagsubok — ang pandemic.

 

Sa ‘pagkulong’ sa bahay, malaki rin ang naitutulong ninyo/natin sa problema sa pagkalat ng virus…at malaking tulong ito sa atin FRONTLINERS…bukod  sa ipanalangin din sila.

 

Pero sa iba, “kill joy” ba sa inyo ang quarantine? Bakit? Dahil ba miss na miss ninyo ang mga dating gawain – mamamasyal sa mall, birthday gathering, barkada gathering tuwing Biyernes o suweldo, magpunta sa beach (tag-init na kasi), at iba pa?

 

Well, marahil nga KJ, pero ano ba ang mas gugustuhin ninyo, ang hindi ibinaba ang one month quarantine para lamang mapagbigyan ang pansariling interes…para lalong kumalat ang virus?

 

Hindi KJ ang quarantine, tingnan ninyo ang kabilang mukha ng barya. Ano iyon? Take advantage of it. Use it wisely. Pagkakataon mo na ito para suriin ang inyong sarili —  ang inyong relasyon sa pamilya at higit sa lahat sa Diyos. Tulad ng mga nauna kong nabanggit – gawin mong quaranTIME ito. At makikita ang resulta – hindi ito KJ.

 

Upang hindi masayang ang ating oras sa loob ng isang buwan, let us all be a “Joy Giver.” Paano? Sa mga may Diyos sa kanilang buhay at ipinagkakatiwala ang lahat sa Panginoon ang nangyayari, be a “Joy Giver” to others lalo sa mga nag-aalala dahil sa pandemic (anyway talagang nakapag-aalala naman po).

 

Upang mapawi ang kanilang pag-alala, point them (people) to Jesus. Let us share to them that He is our refuge and strength. To surrender and entrust everything to Him. Alalahanin po natin, nothing is impossible to God.

 

Hindi po ba mas maganda, let us all focus ourselves to Christ rather than worrying and grumbling. Hindi po nakadaragdag ng buhay ang pag-aalala o ang madalas na pagrereklamo.

 

Sa mga nag-aalala ng makakain o relief goods, ‘wag kalimutan…kung ang ibon nga ay hindi pinapabayaan ng Panginoon, tayo pa kaya.

 

So, tayong lahat ay dapat maging Joy Giver – comfort everyone with God’s love.

 

Ngayon, sa isa pang anggulo, to be a Joy Giver, manatili lang sa bahay…paano ka naging Joy Giver nito? Kasi po sumunod ka sa utos ng  gobyerno at higit sa lahat sa pakiusap ng atin frontliners. Masayang-masaya na sila kapag manatili lang tayo sa bahay. O ano, hindi ba mas okey ang maging Joy Giver kaysa  maging KJ sa pakiusap na stay home. Basta, maging Joy Giver tayong lahat sa iba lalo sa mga nababagabag…

Let us point people to Jesus.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *