Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

P17-B ng DOTr ibigay sa mga drayber

MALAKING problema ngayon ang pinagdaraan ng mga public transport worker na pawang nawalan ng mga trabaho dahil sa patuloy na paglaganap ng mapamuksang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Simula sa mga drayber ng jeep, taxi, bus kabilang na ang mga konduktor at mekaniko, halos walang makain na ngayon ang kani-kanilang mga pamilya, at nangangailangan ng agarang tulong pinansiyal na manggagaling sa pamahalaan.

Pero sabi nga, usad pagong pa rin hanggang ngayon ang inaasahang ibibigay na tulong ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at halos walang dumarating na suporta o tulong sa mga public transport worker.

Halos dalawang linggo nang ipinaiiral ang ‘lockdown’ dahil sa COVID-19, at kung magtatagal pa ito, malamang na mamatay sa gutom ang kanilang mga pamilya o kung hindi man, mapilitang gumamit sila ng dahas para lang mabuhay.

Kaya nga, dapat sigurong pakinggan ang proposal ni Senator Grace Poe bilang solusyon sa kinakaharap na malalang problema ng mga manggagawa sa transport sector at tuluyan silang makaahon sa kasalukuyan nilang problema.

Kamakailan lamang, nasilip ni Grace ang umaabot sa P17-B budget ng Department of Transportation na nakatengga at hindi nagagamit na sana ay para sa kanilang mga programa at proyekto.

Katuwiran ni Grace, kung hindi rin lang naman ito pinakikinabangan, mas mabuti kung ang nasabing budget ay ibigay sa mga manggagawa na nasa transport sector para tuluyang makabangon at magamit para sa kanilang ikabubuhay.

Napakaraming apektadong manggagawa na nasa public transport sector.  Ang mga jeepney drivers ay umaabot sa 130,000 at ang transport network vehicle driver naman ay umaabot sa 65,000 sa buong bansa.

Sa Metro Manila, ang bilang ng bus driver ay 13,000 at 47,000 ang motorcycle taxi driver.

Nakalulula ang bilang ng mga mangagagawa sa sektor ng transportasyon at sa tingin ko kailangang bilisan na ang pagkilos ng gobyerno para matulungan ang mga kababayan natin na patuloy na naghihirap dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Sa ilalim ng nilagdaang batas ni Digong, ang “Bayanihan to Heal as One Act” mayroong kapangyarihan ang pangulo na gamitin ang anumang pondo ng pamahalaan na hindi naman pinakikinabangan o nagagamit, at ilaan ito para makatugon sa problema ng COVID-19.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *