Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi ito ibibigay ng Diyos kung hindi natin makakayanan,  

KAYA natin to mga kababayan dahil hindi ito ibibigay sa atin ng Diyos kung hindi natin makakayanan.

Go, go, go lang tayo sambayanang Filipino sa kadahilanang ito ay pagsubok lang sa atin ng Maykapal.

Ito ay isang paghamon sa ating kakayahan at siguradong ito ay ating lalagpasan. Kung tutuusin ay labis at sobra na ang ating dinaranas na pagsubok.

Mantakin ninyong kasasabog lang ng bulkang Taal at agad namang sinundan ng killer virus na COVID-19 na lubhang naapektohan ang marami nating mamamayan.

Bukod sa dinanas ng ating bansa, libo-libong tao ang namatay at inabala rin ng virus na ito sa buong mundo, ‘di po ba?

May iba sa atin ang nagsasabing tila yata sunod-sunod na aberya at problema ang ipinapalasap sa atin ng Diyos partikular sa ating bansa at sa mamamayang Filipino.

Ang iba naman ay ipinapalagay na para bang sinalo na lahat ng Filipinas ang kamalasan nang ipamudmod sa lupa.

Kung tutuusin, malapit naman sa katotohanan at may pinagbabasehan. Mantakin ninyong kapuputok lang ng bulkang Taal ay sinundan agad ng pandemic na dealy virus na COVID-19.

Ang agwat at pagitan ng mga pangyayari ay wala pang isang buwan partikular rito ang mga lindol, bagyo at giyera na naganap ng nakalipas na mga taon.

Tila yata mayroong ipinahihiwatig ang Maykapal na may likha ng langit at lupa na para bang lumalabas na wake-up call sa mga namumuno o liderato ng ating bansa.

Itong dinaranas at sinasapit natin ay hindi masasabing isa lamang insidente, coincident na nata-tapat lamang dahil sobrang pasakit na ang dinaranas ng ating mga kababayan.

Ibang klaseng paramdam ang ipinadarama sa atin ng ating Amang Lumikha na para bang sinasabing mayroon yatang mali o dili kaya ay kapalpakang nangyayari sa kalakaran.

Tama man o mali ang mga espekulasyon at antisipasyon sa mga kaganapan, ito ay pagsubok lang at kaya nating lagpasan sa pamamagitan ng hawak-kamay, pagkakaisa, bayanihan at dalangin sa Maykapal.

Hindi naman natin puwedeng isisi ang lahat ng pangyayari sa liderato bagkus ay kailangan natin silang tulungan dahil hindi nila ito makakayanan. Partisipasyon ng mamamayan ang kailangan upang lagpasan natin ang lahat.

Huwag nating iasa lahat ng kaganapan sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang administrasyon. Magkapit-bisig tayong lahat upang manumbalik ang dating takbo ng pamumuhay at kalakaran sa bansang Filipinas.

Walang iwanan, walang dapat maiwan, sabay-sabay tayong lahat na gumalaw, gumawa at muling itaguyod ang isang maganda at masayang Filipinas.

Walang bagay na ‘di magagawa at ‘di ito puwedeng gawing nag-iisa. Pagkakaisa ang common denominator at siguradong malulutas lahat ang problema para sa isang bansang puno ng kasiyahan at pagmamahal.

Huwag tayong bumitaw sa ere at lalong huwag makalimot tumawag at dumalangin sa ating Panginoon sapagkat laging bukas ang kanyang pinto sa mga kumakatok at nangangailangan.

Kaya tara na at sabay-sabay tayong magdasal, gumalaw at gumawa para sa kapakanan ng bansang Filipinas at ng mga mamamayang Pinoy.

Kaya natin ito!

YANIG
ni Bong Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …