Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

LOCKDOWN

APAT na araw na ang lockdown ng buong Luzon dahil sa pandemikong COVID-19 at mukhang nasasanay na ang mga mamamayan na manatili sa loob ng bahay upang maiwasang mahawa o makahawa.

Maraming mamamayan ang umaasa sa food delivery ng fast food joints. Ngunit malaki ang suliranin ng mga nakatira sa mga condo sa mga central business district (CBDs) ng Ayala sa Makati City, Ortigas sa Mandaluyong at Pasig City, at maging sa Cubao sa Quezon City.

Unang problema: overloaded ang mga delivery system. Nahihirapan ang mga apps dahil sa rami ng order ng pagkain sa kanila, nawala na rin ang walk-in na customer sa mga fast food outlet. Delivery apps lamang ang inaasahan ng maraming mamamayan.

Pangalawa: Dahil malayo ang mga nakatira sa mga CBD sa mga pamilihang-bayan, palengke at talipapa, kailangan sumakay ng public transport para makarating doon. Sinuspinde ng magaling na pamalahan ang pampublikong sakayan kaya napipilitan ang marami na maglakad patungo sa mga pamilihan.

Kausap namin ang isang kaibigan na expat na kasama sa condo building at ikinuwento niya na isang oras siyang paikot-ikot sa Ortigas CBD para bumili ng kape. Nagbirong sinabi na papasok sana sa drive-tru ng isang fast food joint at magbubusina, pero naalala na wala siyang sasakyan at naglakad lamang siya. Nagtawanan kami at nagpaalam para umakyat sa unit niya.

Habang papalayo, napaisip ako at tinanong ang sarili: “Ito bang lockdown ay kayang panatiliin nang walang magwawala o magrereklano?”

Sadyang matimpiin ang Filipino, ngunit pipiglas at papalag kapag masasagaan ang kapakanan ng kanilang mahal sa buhay. May nagsabi sa amin na walang magagawa kaya sumunod na lang.

Agree kami roon, dahil kakaibang suliranin ang hinaharap ng bansa. Kailangan ang suporta ng bawat mamamayan para matupad ang epektibong lockdown. Pero ito ang tanong:  Epektibo nga ba?

Hinihikayat ang lahat na makiisa, ngunit hindi ipinagbabawal ang magtanong.

Bawal nga ba?

***

Labis na papuri sa mga nasa “frontline” laban sa COVID-19.

Itinataya nila ang kanilang kapakanan at kaligtasan upang lahat ay maging ligtas.

Sila ang mga health workers, doktor, nurse at iba pang medical worker, staff ng food outlets, pulis, sundalo, atbp. Sila ang mga nararapat sa papuri natin.

Sana maglaan ang gobyerno ng mga sasakyan na maghahatid sa mga doktor, nars, fastfood staff, atbp. sa lugar ng trabaho, mula nang sinuspinde ang lahat ng transportasyong pampubliko, sila ang nahihirapan. Kaya nananawagan sa PNP, AFP, LGUs at fast food companies na tulungan natin sila.

***

Dahil nangunguna ang PNP at AFP sa laban kontra COVID-19, napapaisip tuloy ang mga mamamayan: Tayo ba ay nasa ilalim na ng martial law?

Magandang katanungan ito. Sanhi ng kakulangan sa epektibong Quarantine Law, nangunguna ang PNP at AFP sa pagpapatupad ng lockdown dahil sila ang may kakayahan o “logistics” para maisakatuparan ang quarantine.

***

Ang DoH ang dapat manguna sa quarantine, ngunit inutil ito dahil sa mismong kalihim. Dahil kulang ng Quarantine Law at kulang sa gulugod si Francisco Duque, ang mga pulis ang humaharap sa tao sa mga checkpoint. Walang suot na proteksiyon ang mga pulis sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Isang insulto si Duque sa mga kawani ng DOH. Bale wala ang magandang kasaysayan ng DOH sa pamumuno niya. Dapat magbitiw na siya.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *