Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mungkahi ng Bulacan lady solon… Hotels, motels, inns, apartelles gawing ‘halfway home’ ng mga manggagawa sa NCR

HINIMOK ni Rep. Rida Robes ng San Jose Del Monte City na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns na gagamitin pansamantala habang ipinapatupad ang community quarantine.

Ayon kay Robes, maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro Manila palabas sa kanilang mga bahay sa probinsiya.

Aniya, ang araw-araw na pagbabalik-balik ng mga manggagawa ay maaaring makadagdag sa pagkalat ng COVID -19.

“Allowing workers living outside the National Capital Region to go in and out of Metro Manila defeats the purpose of the community quarantine since they may spread the virus in their respective communities,” ani Robes.

“Since most motels, hotels, inns, apartelles, and other similar types of accommodation are expected to be vacant due to the restrictions of community quarantine, the government may offer them to these workers at fifty percent discount. The remaining fifty percent will be paid equally by the government and their employers. That way, we lessen the spread of the virus to outside Merro Manila,” paliwanag ni Robes.

Naunang hinimok ni Robes ang mga may-ari ng malls at iba pang commercial establishments sa Metro Manila na magbigay ng “rental holiday” o “discounts” sa mga tenants nito sa kabila ng mababang consumer spending at human traffic sa loob ng  quarantine period.

May pangamba ang ibang mga magulang kung paano aasikasohin ang mga anak nila na nasa bahay kung hindi sila uuwi pagkatapos ng trabaho.

Ayon sa nakapanayam ng Hataw sa San Jose del Monte City, kung hindi siya uuwi walang mag-aasikaso at magpapakain sa mga anak niya sa kanilang bahay. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …