Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Leftist group at ang COVID-19

DITO natin masusubukan ang tindi at lupit  ng mga grupong makakaliwa, sa gitna ng paglaganap ng COVID-19, kung magsasagawa sila ng mga kilos-protesta matapos ang deklarasyong ‘lockdown’ sa Metro Manila ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Dahil nga sa walang ginawa kundi mag­propaganda, nakatitiyak tayong maghahanap ng ‘butas’ ang mga dogmatikong organisasyong kaliwa para mapuna si Digong at sisihin ang kanyang gobyerno sakaling pumalpak ang programa kontra COVID-19.

Tulad ng grupong KMU, Bayan, Gabriela, ACT, LFS at iba pang leftist organization, asahang lulubha ang atake ng mga grupo laban sa gobyerno dahil maghahanap sila ng mga pagkakamali ni Digong na nahaharap ngayon sa matinding krisis.

At kahit sa gitna nang ganito kalalang problema na kinakaharap ng bayan, asahan na hindi makikiisa ang nasabing mga grupo para masolusyonan ang krisis sa COVID-19. Hindi rin sila titigil sa propaganda para maisulong lang ang kanilang interes at agenda.

Hindi naman maipagkakaila, bilang front organisation ng CPP, ang mga grupong ito, kahit na ang layunin ay para sa kabutihan ng bayan, hinding-hindi susuportahan ang administrasyon ni Digong.

Bilang mga front organization tulad ng KMU, meron itong underground unit na magbibigay ng direktiba galing mismo sa kani-kanilang political officer para sa direksiyon ng pagkilos ng mga organized labor group o union.

Kaya nga, sa mga susunod na araw, sa pagtindi ng ‘lockdown’ sa Metro Manila, asahan nating unti-unting magpapakita ng lakas ang mga grupong makakaliwa at tatangkaing makagawa ng mga pagkilos laban sa administrasyon.

At dito rin makikita kung talagang matinong mag-isip ang mga political officers ng bawat front organization at kanilang babanggain ang direktiba ni Digong na bawal ang mga pagtitipon o mass gathering sa Metro Manila sa gitna ng ‘lockdown.’

Pero alam nating maduduwag ang mga lider ng makakaliwang grupo at hindi nila ito gagawin dahil tiyak na aarestohin silang sabay-sabay ni NCRPO Chief Debold Sinas sakaling magsagawa sila ng kilos-protesta.

Higit sa lahat, hindi rin nila maisasagawa ang kanilang mga kilos-protesta dahil malamang na mapabilang sila sa patuloy na tumataas na listahan ng nadale ng COVID-19. Ang mga demonstrador na kaliwa ay dikit-dikit kung magsagawa ng rally at higit sa lahat  magkakapit-bisig pa ang mga damuho.

 

PAGLILINAW

Halos ilang buwan ding hindi nasubaybayan ang kolum ng Sipat. Inakala ng inyong lingkod na ang aking pamamahinga ay magtututuloy-tuloy na para lubos na harapin ang aking pamilya.

Pero kamakailan, sa hindi inaasahang pagkakataon, muling ‘binulabog’ ang inyong lingkod kaya’t napagpasiyahan kong ipagpatuloy ang aking pagsusulat sa Hataw. Pasasalamat sa aking editor na si Gloria Galuno at publisher na Jerry Yap sa pang-unawa.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *