Saturday , August 9 2025

Isko: Arroceros Forest Park, permanenteng forest park na

NILAGDAAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Ordinance No. 8607 na nagdedeklarang ang isang bahagi ng lupa sa Arro­ceros St., ay isang forest park sa kabiserang lungsod ng bansa.

Ayon sa ulat, dating pag-aari ng dating Depart­ment of Education and Sports (DECS) ang Arroceros Forest Park at ang pagdedeklara rito bilang ordinansa ay baha­gi ng naging plataporma ni Moreno noong 2019 mayoralty election sa lungsod.

Base sa nakasaad sa Republic Act No. 5752, o ang Local Autonomy Act, nagbibigay ito ng mandato sa mga lungsod upang magtatag, magpa­un­lad at magmantina ng permanent forest, tree parks, o watershed sa mga public land.

“The use and enjoy­ment of the Arroceros Forest Park must be consistent with the principles of sustainable development and the right of the people to a balanced and healthful ecology,” saad sa ordinansa.

Nakasaad rin ang pagbabawal sa pagputol ng mga puno, pagtata­pon ng basura at ano­mang uri ng excavation o paghu­hukay sa forest park.

Kaugnay nito, may karampatang multa na nagkakahalaga ng P2,500 sa unang paglabag ang sinomang susuway sa ordinansa, P3,500 multa sa ikalawang paglabag, at P5000 multa o pagkaka­kulong sa mga lalabag sa ikatlong pagkakataon.

Upang mapanatili ang katiwasayan at kaa­yu­san sa Arroceros Forest Park, magkakaroon ng deployment ng peace officers na may kara­patang mag-isyu ng citation ticket laban sa mga pasaway na lalabag sa nasabing city ordinance.

Sisiguradohin rin ni Mayor Isko ang maayos na management plan para sa operasyon at pagma­man­tina ng liwasan na pangangasi­waan ng Park Governing Committee.

Isang milyong piso ang inilaan na pondo para sa operasyon ng nasabing forest park.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Jinggoy Estrada Cabagan Sta Maria bridge

DPWH officials panagutin sa bumagsak na tulay — Sen. Jinggoy

GUSTO ni Senate Pro-tempore Jinggoy Estrada na panagutin ang mga opisyal ng Department of Public …

KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board …

National Electrification Administration NEA

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente …

Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa …

Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *