Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, binubugbog ng asawa kaya lumayas sa India?

LUTO, linis ng bahay, at alaga ng anak. ‘Yan ang naging mundo ni Nathalie Hart  sa India at Austria nang talikuran ang showbiz nang magpakasal sa isang Indian at manganak.

“Mabaliw-baliw ako!” bulalas ni Nathalie nang makausap ng press kamakailan.

Bumalik siya sa showbiz dahil gusto niyang magtrabaho.

“I was very lucky dahil kahit may anak na ako, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho. Nagulat din ako. Puwede pala,” saad pa niya.

Wala na siyang feelings sa asawa?

For now, kahit magkaroon siya ng ibang babae, wala akong pakialam! As in bahala siya.

Ganoon pala kapag nawalan ka ng gana. Hindi naman sa mabilis. Maraming nangyari sa amin. Maraming issues,  cultural differences pero hindi ko na kailangang sabihin pa,” tugon ni Nathalie.

Baka naman bnubugbog siya?

Hindi naman. Hindi naman. Pero I don’t like ‘yung siguro, hindi kami nagkakaintindihan in terms of naging trabaho ko rito sa Pilipinas.

They think mababa ang ginagawa ko rito. Kung nakilala mo ako na ganoon, you have to accept me. Hindi ‘yung ikakasal na tayo, kung kailan tayo nagkaanak, doon mo binaligtad!

“‘Yung issue niya sa akin was my job! Ayaw niya akong magpaseksi, hindi marangal!” deklara ni Nathalie.

Ngayong aktibo muli sa showbiz, tatlong movies ang ginagawa niya sa Viva Films. Ito ay ang Kungyai Mahal Kita with Ryza Cenon at Joseph MarcoPakboys with Andrew E at Janno Gibbs, at ang isinu-shoot ngayon niya sa Japan na Steal.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …