Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa utos ni Yorme: Intsik arestado sa pagdura sa loob ng fast food chain

IPINADAKIP ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District, ang isang Chinese national na nag-viral sa social media dahil sa ilang beses na pagdura sa  isang kilalang fast food chain sa Maynila.

Kinilala ang ina­restong Chinese national na si Jinxiong Cai, alyas Willy Choi, 35 anyos, nagpakilalang nego­syante, at residente sa Room E, 45/F, Orchard Garden, Masangkay St., Tondo.

Agad nadakip ang suspek matapos iutos ni Mayor Isko na nagalit sa ginawang pambabastos ng suspek.

Ayon sa ulat na nakarating, kay MPD DD P/BGen. Bernabe Balba, nadakip si Cai sa 9/F amenities area ng Orchard Garden, base sa reklamo ni Alejandro Natividad, 63, security guard  ng McDonald’s na mata­tagpuan sa Masangkay St., dakong 7:50 pm.

Nakunan ng video ng isang netizen ang nasa­bing dayuhan na nag-viral sa social media ang kawalanng kagandahang asal.

Nakaupo sa loob ng fast food chain ang sus­pek dakong 2:00 am noong 22 Pebrero at dumura sa sahig, ha­bang nagbibitiw ng hindi magagandang pana­nalita laban kay Nativi­dad at crew ng McDonald’s.

Nakunan rin umano ng CCTV footage ang suspek habang patungo sa kainan ay itinulak pa ang dalawang naka­paradang motorsiklo sa harapan ng Orchard Residences kaya nabu­wal at nasira.

Nakarating sa alkal­de ang ginawa ng suspek kaya ipinag-utos na dakpin ang dayuhan.

Matatandaan, ka­ma­kailan ay may isang  motoristang Chinese national rin ang nahu­lihan ng droga sa kaha­baan ng Abad Santos Ave., Tondo ngunit nan­dura sa isang miyem­­bro ng MPD, ngunit kalau­nan ay naharap sa patong-patong na kaso maging paglabag sa Im­migration Law.

(BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …