MAS matapang sa hubaran si Marco Gumabao sa pelikulang Hindi Tayo Pwede ayon sa director nitong si Joel Lamangan.
“Mas marami kasi siyang ipinakita,” rason ni direk Joel nang makausap namin sa grand presscon ng Viva movie.
Eh si Tony Labrusca na isa rin sa bidang lalaki, pigil ba sa paghuhubad?
“Medyo pigil pa si Tony. Pumuwede naman sa akin kasi hindi naman kailangan eh. Kasi multo naman siya!” rason ng director.
Sino ang mas magaling umarte?
“Lahat silang tatlo! (kasama si Lovi Poe na female lead),” saad ng director.
So nirespeto ng tatlong artista ang karapatan niya bilang director?
“Ha? Naku, papunta ka naman kay Jay Altarejos eh,” sagot niya.
I-FLEX
ni Jun Nardo